Press "Enter" to skip to content

Isang Estudyante, Biktima Din Ng Mga Feeling Gangster Na Nanunog Sa Balloon Vendor

Kalat na din sa social media ang isa pang biktima ng mga kabataang diumano nanunog sa isang tindero ng lobo sa Maynila.

Isa pang biktima

Matapos magviral ang video ng panununog ng mga mala-gangster na kabataan sa tindero ng lobo, isang biktima naman ng mga ito ang lumutang.

Isang binata ang kanilang walang awang pinagbubugbog sa di malamang kadahilanan.

Isang Estudyante, Biktima Din Ng Mga Feeling Gangster Na Nanunog Sa Balloon Vendor 1

Ayon kay Niecky Von Delos Reyes, kapatid ng biktima, naglalakad sa Millionaires ang kanyang kapatid kasama ang mga kaklase nang bigla itong suntukin sa batok ng mga sigang kabataan. Mula sa likod ito binanatan ng mga nagpo-powertrip na gangster. Kaya naman ang mga tama dito ay puros sa likod at batok.

Tinapakan sa ulo

Nang lupaypay na umano ang biktima ay tinapakan pa ito sa ulo. Ayon pa kay Niecky ay hindi kilala ng kanyang kapatid ang mga nambugbog rito. Wala din umano itong atraso kahit kanino.

Pati umanong mga kaklaseng babae ng kanyang kapatid na sinubukang umawat ay binalya ng mga gangster na ito. Dagdag pa nito, ang mga kabataang ito ay taga-Capri.

Kinumpirma ito ng kanyang kapatid at mga kaklase nito na nakasaksi sa insidente. Ayon pa sa mga ito, higit sa limang kabataan ang bumugbog sa kanyang kapatid.

Inabangan

Hinanakit pa ni Delos Reyes, tila inabangan umano ang kanyang kapatid at napagtripan ng mga ito na bugbugin at tadyakan. Ayon din sa kanilang importante, nakaabang na umano sa bilihan ng barbeque.

At ng makalagpas o makadaan na ang binatang biktima, doon na nila binanatan ito.

Update

Ang kasong ito ay naireport na sa Station 4 at sa Barangay ng Capri. Pinamedico legal at CT scan na din umano ng pamilya ang binata dahil sa pag-inda nito ng pananakit ng ulo at batok matapos ang pambubugbog.

Hiling din ni Niecky ay lumabas na ang iba pang biktima ng mga tripper na kabataang ito at mabigyan ito ng leksyon.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: