Press "Enter" to skip to content

Isang Guro, Ininsulto Ng Isang Magulang Dahil Sa Patuloy Na Pagsahod Kahit Hindi Na Nagtuturo

Isang guro ang naglabas ng sama ng loob sa social media matapos makatanggap ng mapang insultong mensaha mula sa isang magulang. Ito ay dahil umano sa patuloy na pagsahod nila ng “malaki” kahit hindi na sila nagtuturo.

Mapang insultong mensahe mula sa isang magulang

Ayon kay Karina Matias Pineda, isang elementary teacher sa Legazpi, Albay, nagulat siya ng makatanggap ng text ng panghahamak mula sa isang di kilalang numero. Punong puno ito ng pang iinsulto hindi lamang sa kanya ngunit maging sa lahat ng guro.

Isang Guro, Ininsulto Ng Isang Magulang Dahil Sa Patuloy Na Pagsahod Kahit Hindi Na Nagtuturo 2

Galit ang nasabing magulang tungkol sa pag post ni Pineda sa social media ukol sa online enrollment ng mga bata para sa darating na pasukan. Napakasarap umano ng buhay ng mga guro ngayon dahil sumasahod ang mga ito ng malaki kahit wala naman klase at nasa bahay lamang ang mga ito.

Pagkwestyon sa sahod ng mga guro

Dahil sa panukala ng DepEd na dapat tulungan ng mga magulang ang mga bata na matuto kahit nasa bahay lang ay dapat umanong swelduhan din ng DepEd ang mga magulang. Imbes na ibayad umano sa mga guro ay sa mga magulang na lamang ibigay tutal ay wala nang gagawin ang mga guro.

Isang Guro, Ininsulto Ng Isang Magulang Dahil Sa Patuloy Na Pagsahod Kahit Hindi Na Nagtuturo 3

Kahit masama ang loob ay pinilit pa rin ni Pineda na sumagot ng mahinahon. Tinanong niya ang pangalan nito upang sana ay matulungan niya ito ng maayos. Subalit imbes na sumagot ng tama ay patuloy lang na nang insulto ang nasabing magulang.

Isang Guro, Ininsulto Ng Isang Magulang Dahil Sa Patuloy Na Pagsahod Kahit Hindi Na Nagtuturo 4

Resbak ng guro


Kaya naman hindi napigilan ni Pineda na maglabas ng sama ng loob sa social media. Aniya, kung may reklamo ito sa kanilang patuloy na pag sweldo ay dapat ay sa gobyerno ito magreklamo. Kung nais din umano nito na mapunta dito ang sweldo niya ay dapat din nitong gawin ang lahat ng sakripisyo ng isang guro na tulad niya.

Isang Guro, Ininsulto Ng Isang Magulang Dahil Sa Patuloy Na Pagsahod Kahit Hindi Na Nagtuturo 5

Inilitanya ni Pineda ang lahat ng kaniyang ginagawa na dapat umanong saluhin ng nasabing magulang dahil nais nitong sa kanya mapunta ang kanyang sahod. Dapat din umanong balansehin ang kanyang oras sa lahat ng aspeto ng buhay nito tulad ng kanyang ginagawa.

Isang Guro, Ininsulto Ng Isang Magulang Dahil Sa Patuloy Na Pagsahod Kahit Hindi Na Nagtuturo 6

Hindi umano biro ang sakripisyo ng isang guro kung kaya hindi tama na maliitin at kutyain ang kanilang propesyon. Sa huli, sinabi ni Pineda na di man perpekto ang mga guro ngunit hindi sila dapat insultuhin at pagsalitaan ng masama.

Source: Helplineph

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: