Press "Enter" to skip to content

Isang Guro Inireklamo Ng Misis Ng Lalaking Kinarelasyon!

Isang guro ang inireklamo ng misis sa programa ni idol na Raffy Tulfo In Action nitong ika-24 ng Hunyo. Ang reklamo ay dahil sa pakikipag relasyon nito sa asawa ng nasabing misis.

Ang hinala ng misis

Ayon sa misis na si Marites Parcon na dating OFW sa Taiwan ay nang umuwi ito ng bansa noong nakaraang taon ay nagkaroon na umano ito ng pagdududa sa kaniyang mister na si Celestino at sa guro na tinawag nitong mam K.

Ang Reklamo- Guro
Photo Credit: Youtube

Dahil diumano sa hirap ng buhay kaya napilitan ulit itong umalis ng bansa upang magtrabaho hanggang sa ang mga anak na nito ang nakapagsumbong sa kaniya na may relasyon talaga ang kaniyang asawa at ang nasabing guro ngunit hindi pa din ito pinansin ng misis sa halip ay humanap pa ito ng ibang mga ebidensya.

Ang ebidensya

Makalipas ang ilang buwan ay nakakuha din si Marites ng mga ebidensya sa kaniyang hinala na nagmula pa sa kaniyang sariling anak. Ang ebidensya ng pag-uusap ng guro at ng kaniyang asawa ang naging dahilan upang kumprontahin na nito ang asawa ngunit nung una ay todo tanggi diumano ang kaniyang mister dito kung saan ang laging sinasabi ay bakit diumano nito papatulan ang pangit na guro”.

Ang Ebidensya- Guro
Photo Credit: Youtube

Pagbubunyag ni Marites sa ilan sa mga ebidensya na kaniyang nakalap na naging kakaiba ay ang tawagan ng mga ito na “ga at pangga” na naririnig diumano mismo ng kaniyang mga anak.

Ang komprontasyon sa guro

Samantala, sinubukan umano ng misis na kumprontahin ang nasabing guro tungkol dito ngunit iblinock diumano ito ng guro. Hindi din umano ma-isearch ng misis ang nasabing guro kaya’t sa mga kaibigan na lamang nito hinihingi ang facebook nito. Hindi matanggap ng misis ang pangangaliwang ito ng kaniyang asawa at sa galit sa mga ito ay ninais nitong mapatanggal ang guro sa kaniyang propesyon.

Ang Konprontasyon- Guro
Photo Credit: Youtube

Sinubukan naman ng programa na kunan ng pahayag ang guro ngunit hindi ito tumutugon sa mga tawag dito. Ang guro ay maaring maharap sa ilang mga kaso gaya ng violence and abuse against women at iba pa. Gayundin ito ay maaring matanggalan ng kaniyang lisensya bilang guro at matanggal sa kaniyang eskwelahan na pinapasukan.

Narito ang video ng reklamo

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin ang PinasBalita.

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: