Isang hacker na napag alamang isa palang mag-aaral sa Information Technology ang inaresto ng mga taga National Bureau of Investigation’s Cybercrime Division (NBI). Ang dahilan ay sinasabing nagnanakaw ng pera electronically mula sa mga account sa bangkoang naturang suspek. Ito rin ay nakabuo ng mga tool na maaaring magamit ng ibang mga cyber criminal.
Ang hacker
Ayon sa ulat ni John Consulta sa “24 Oras”, kinilala ng NBI ang 19-taong-gulang na si Justin Claveria bilang mastermind ng isang grupo ng mga hacker. Ang mga ito diumano ay nakakakuha ng mga sensitive banking information at iba pang mga personal data mula sa mga kliyente para makagawa ng pagnanakaw.

“‘Di lang siya scammer, developer siya ng mga certain tools na ginagamit ng mga cyber criminal para manakaw ‘yong mga account information natin.”

“Medyo top level siya dahil ‘yong technical skills niya hindi at par ‘yan sa common cyber criminals natin. Siya ‘yong gumagawa ng makina para makapagnakaw ng mga account information at mai-share ‘yan doon sa mga cyber criminals,”- Atty. Vic Lorenzo, hepe ng NBI Cybercrime Division.
Ang pag amin
Inamin ni Claveria na dalawang taon na siyang nakikibahagi sa aktibidad ng kriminal. Ang perang ninakaw niya ay ginamit upang bumili ng kotse at isang property sa Batangas.

“Out of curiosity po at pangangailangan na rin po kasi po ‘di na ako nakakahingi ng suporta sa magulang ko kaya parang gumawa ako ng way para mapag-aral ‘yong sarili ko,” -Claveria.
Kagamitan sa krimen
Kinumpiska ng mga awtoridad ang cellphone ni Claveria, na mayroong lahat ng mga ng spam messages. Ito ay ginamit ni Claveria para sa kanyang mga phishing activity.

Sinabi ng NBI na ang mga mensahe na ginamit ni Claveria ay katulad sa mga nasa website ng isang bangko.
Ang kaparusahan
Sinabi ng NBI director na si Atty. Eric Distor na dapat ikulong si Claveria sa mga bagay na nagawa niya. Nang dinala na sya sa Himpilan ng NBI ay abut-abot ang nakuha nyang sermon sa naturang Hepe.

“Nang dahil sa masamang ginawa mo, maaari kang mabulok sa bilangguan,” – Distor
Panoorin ang aktuwal na paghuli
Source: Facebook
Be First to Comment