Browse By

Isang Kasambahay Na OFW, Naging Tagapagmana Ng Kanyang Amo

Isa si Daisy Bucad-Eng sa ating mga kababayang nakipagsapalaran sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya. Sya ay naging instant milyonaryo nang pamanahan ng kanyang yumaong amo ng mga ari-ariang nagkakakahalaga ng milyong-milyong piso. Ang kanyang kwento ay ibinahagi nya sa “Kapuso Mo, Jessica Soho”.

Photo Credits: gurupress-cordillera.com

Dating tindera ng asin

Si Daisy ay tubong Mountain Prvince at sa edad na 16 anyos, isa na syang ina at maybahay. Sa hirap ng buhay, sya ay nagtinda ng asin upang mabuhay ang pamilya. Ngunit hindi sapat ang kanyang kinikita sa pagtitinda ng asin kaya nagpasya sya na gumaya sa mga kapitbahay na nagpupunta sa HongKong upang magtrabaho bilang kasambahay.

Photo Credits: justcoffeewrite.com

Buhay OFW

Hindi naging maganda ang naging kapalaran ni Daisy sa kanyang unang amo, bukod sa maliit na pasahod ay dalawang oras lamangang kanyang pahinga. Dagdag pa dito ang alalahanin dahil sa balitang madalas na nasa lansangan ang kanyang anak.

Photo Credits: pinoyonlineportal.com

Pagdating ng Swerte

Hindi nagtagal ay nakahanap ng mabuting amo si Daisy sa katauhan ni Marie na isang Portuguese. Maliit man ang sahod ay itinuring ito ni Daisy na isang swerte dahil sya ay itinuring na kapamilya ng kanyang bagong amo.

Photo Credits: siargaoislands.info

Sumama si Marie kay Daisy pauwi sa Pilipinas dahil ayaw niyang tumira sa home for the aged sa HongKong. Namuhay s Marie sa dito kasama si Daisy, lagi syang ipinapasyal lalo na sa mga simbahan at taong 2002 ang pumanaw ang matanda.

Last will and Testament

Isang araw, may dumating na sulat galing sa pamlya ni Marie na naglalahad ng nakakbiglang balita. Si Daisy ay isinama ng kanyang yumaong amo sa kanyang last will and testament.

Ang mahabang paglilingkod ni Daisy sa kanyang amo ay sinuklian nito ng 25 milyong pisong mahalagang pamana.

Photo Credits: justcoffeewrite.com
Photo Credits: philip.nhatkimanh.vn

Isa nang Milyonarya

Si Daisy ngayon ay nagmamay ari na ng mga negosyo at establishments na kanyang pinapa upahan.

“Sa mga OFW na naghihirap man kayo ngayon be patience and harwork are the key to sucess,” payo ni Daisy. Payo rin nya “The overall denominatior ng lahat ng ito ay yung honesty. Kung anumang trabaho ang meron ka diyan gawin mo na nang tama”.

Photo Credits: trendinghub.org
Photo Credits: justcoffeewrite.com

Bilang pag gunita at pagpapasalamat kay Marie, pinagawaan nya ito ng isang alala sa loob ng kanyang bakuran.

Source: KMJS

Leave a Reply

Your email address will not be published.