Press "Enter" to skip to content

Isang Lalaki Sa Cavite, Nag-linis Ng Kanal Para Kumita Ng Pera

Nag-alok ang isang lalaki sa Cavite na linisin ang kanal sa kalye na malapit sa isang netizen para kumita kahit papaano ng pera dahil walang-wala na aniya itong pang-gastos matapos mawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya.

Kuha ng netizen

Isang hindi nakilalang lalaki ang nag-alok sa isang netizen na linisin ang isang kanal sa kalye sa Barangay Memije, Cavite. Aniya, ginagawa niya ito para kumita ng pera matapos mawala ang kanyang trabaho sa gitna ng pandemya.

Ayon sa netizen na si Francis Jun, nanatili siya sa tindahan ng kanyang pinsan noong nakaraang linggo nang lumapit sa kaniya ang isang lalaki.

Isang Lalaki Sa Cavite, Nag-linis Ng Kanal Para Kumita Ng Pera 2
Photo Credit: Facebook- Francis Jun

Ang akalang bibili lamang sa tindahan, ngunit sa halip ang lalaking ito ay nag-alok na linisin ang kanal ng kalyeng malapit sa kanila at bayaran kahit kakaunting halaga ng pera para may maiuwi sa kanyang pamilya.

Tuloy ang pagsusumikap

Aniya, nawalan siya ng pinagkakakitaan nang manalasa ang COVID-19 sa bansa at magsimulang ipatupad ang community quarantine.

Ani Francis, hindi ganoong kalakihan ang kanyang pera kung kaya’t ibinahagi niya lamang sa lalaki kung ano ang makakaya niya.

Isang Lalaki Sa Cavite, Nag-linis Ng Kanal Para Kumita Ng Pera 3
Photo Credit: Facebook- Francis Jun

Gayunpaman, laking pasasalamat ng mga netizen kay Francis sapagkat hinayaan niya itong kumita ng kahit maliit na halaga ng pera para sa kanyang umaasang pamilya.

Paghanga ng netizen

Maraming mga netizen kasama na si Francis ay namangha sa tao na naghahanap ng disenteng paraan upang kumita ng pera matapos mawalan ng trabaho sa kasalukuyang panahon.

Kahit na hindi nakuha ni Francis ang kanyang pangalan, napagalaman niya na ang lalaki ay mula sa Family Village Resources sa General Mariano Alvarez o FVR GMA.

Ibinahagi ng netizen ang kanyang mga larawan sa pag-asang makita siyang muli at maabutan ito ng tulong mula sa mga netizen.

Source: Facebook- Francis Jun

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: