Press "Enter" to skip to content

Isang Lolo, Wanted Dahil Sa Panununtok At Pagpapaputok Ng Baril Sa Isang Subdivision

Pinaghahanap ngayon ang isang matandang lalaki at kanyang grupo na nahuli sa aktong panunugod at pagpapaputok ng baril sa isang subdivision sa Caloocan City. Ito ay dahil umano sa agawan ng kapangyarihan sa kanilang Homeowners Association.

Agawan sa posisyon at kapangyarihan

Ayon sa Facebook post ni Jesus Luison, nangyari ang insidente dakong alas singko y media ng hapon noong Huwebes, Hunyo 4 sa BF Homes Phase 3, Deparo, Barangay 168, Caloocan City. Makikita sa video na bigla lumabas ang isang matandang lalaki na kinilala sa pangalang Antonio Borbon, kasama ang kanyang grupo mula sa isang sasakyan.

Isang Lolo, Wanted Dahil Sa Panununtok At Pagpapaputok Ng Baril Sa Isang Subdivision 2

Ayon sa nakalap na impormasyon, ang grupo ay pinangungunahan ng isang “Malibiran”. Ang away ay nagsimula sa issue sa kanilang Homeowners Association. Agawan sa posisyon sa BOD ang naging mitsa ng kanilang panunugod.

Panununtok at pamamaril

Dinuro duro ng grupo ang isang matandang lalaki na nakapula. Noong una ay kalmado at pangiti ngiti pa lang ang lalaking nakapula, ngunit bigla itong sinampal ng suspek, sabay pinagtulungan suntukin ng grupo.

Isang Lolo, Wanted Dahil Sa Panununtok At Pagpapaputok Ng Baril Sa Isang Subdivision 3

Doon na pumalag ang lalaking nakapula subalit wala siyang laban dahil madami ang lalaki sa kabilang grupo at isa pa ay nanutok ng baril ang suspek. Tinangkang tulungan ng ibang homeowners ang lalaking nakapula ngunit maging sila ay tinutukan ng baril.

Pagsugod kay Luison

Nang mapansin ni Borbon na kinukunan siya ng video ni Luison ay sinugod niya ito at tinabig ang camera. Ayon kay Luison, tinangka siyang barilin sa mukha ni Borbon ngunit dahil hindi asintado at nahawakan niya agad ang kamay nito ay hindi siya tinamaan.

Isang Lolo, Wanted Dahil Sa Panununtok At Pagpapaputok Ng Baril Sa Isang Subdivision 4

Pinagtulungan umano siyang kuyugin ng buong grupo ni Borbon. Hindi na nakunan sa camera ngunit dalawang beses pa umanong nagpaputok ng baril si Borbon. Mabuti na lamang at walang tinamaan o nadisgrasya sa nasabing pagpapaputok.

Isang Lolo, Wanted Dahil Sa Panununtok At Pagpapaputok Ng Baril Sa Isang Subdivision 5

Ayon kay Luison, kinasuhan na nila ang nasabing grupo. Humihingi ngayon ng tulong si Luison sa kinakuukulan upang madakip ang si Borbon at ang kanyang grupo dahil kasalukuyan na umanong nagtatago ang mga ito.

Source: JUAN TV

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: