Press "Enter" to skip to content

Isang Mambabatas, Inirekomenda Ang Pagdodoble Ng Minimum Salary Ng Nurses Sa Pinas

Inudyok ni Anakalusugan Party-List Rep. Mike Defensor ang kongreso na doblehin ang minimum salary ng ating mga nurses sa gitna ng COVID-19 crisis.

Ito’y kanyang ipinahayag matapos inanunsyo ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA ang temporary ban sa overseas deployment ng lahat ng nurses, medical technologists, medical technicians, at health workers.

Ang dahilan

Ayon sa kanya, imbes na mag ban, ang pagdadagdag ng sweldo ang pinakamainam na solusyon upang sila’y manatili sa Pilipinas at hindi na makaisip pang mangibang bansa.

Isang Mambabatas, Inirekomenda Ang Pagdodoble Ng Minimum Salary Ng Nurses Sa Pinas 2
Photo credit: Rappler

Kanya ring pinaalalahanan ang administrasyon sa posibleng pagharap ng ating bansa sa severe shortage ng mga nurse pagkatapos ng coronavirus pandemic. Ito’y kaugnay ng siguradong pagtaas din ng kanilang demand sa ibang bansa.

“We foresee wealthy nations around the world rushing to expand the capacities of their public health systems and stepping up their recruitment of Philippine-educated nurses once the COVID-19 pandemic is suppressed,” sabi ni Defensor.

Ang sweldo ngayon

Dahil dito, mahigpit niyang inirerekomenda ang pag doble ng entry-level salary ng mga Filipino nurses sa bawat pribado at pampublikong ospital.

Isang Mambabatas, Inirekomenda Ang Pagdodoble Ng Minimum Salary Ng Nurses Sa Pinas 3
Photo credit: GMA Network

Sa kasalukuyan, ang mga nurse na nagtatrabaho sa mga ospital under sa Department of Health (DOH) ay nakakatanggap ng minimum pay na P32,053 kada buwan. Ito’y unti-unti namang dinadagdagan kada taon hanggang January 2023.

Sumatotal, ang pinakamalaking makukuha nilang buwanan na sweldo ay P36,619. Ito’y napapaloob sa bagong Salary Standardization Law para sa mga government workers.

Ang planong dagdag

Ngunit ayon kay Defensor, kailangan nila ng hindi bababa sa P60,000 na starting pay buwan-buwan upang sila’y manatiling magserbisyo sa kanilang bayan.

Isang Mambabatas, Inirekomenda Ang Pagdodoble Ng Minimum Salary Ng Nurses Sa Pinas 4
Photo credit: Philippine News Agency

“The initial figure we are looking at is P60,000 monthly, which is more or less the same starting pay being offered by the Kingdom of Saudi Arabia to Filipino nurses, without counting fringe benefits,” aniya.

Hindi na lingid sa ating kaalaman ang mataas na demand at sweldo ng mga Filipino nurses sa ibang bansa. Kung ito’y matatapatan man ng ating gobyerno, marahil ay hindi na nila kailangan pang makipagsapalaran at mag-alaga ng dayuhan.

Source: Nurse Updates

One Comment

  1. jesus morales jesus morales April 15, 2020

    tama yan mkita mo hindi aalis mga nurse natin kpag doble yan katulad ng pulis doble kaya naman kaya lang bkit parang labag sa kalooban ng mambabatas gawin kpag nagkasakit kayo malalaman nyo kahalagahan ng nurse saan ka makakita 10k sweldo hindi pa ma regular casual ilan taon

Leave a Reply

%d bloggers like this: