Press "Enter" to skip to content

Isang Matandang Sekyu, Kulang Ang Pera At Gutom Na Nilakad Ang Daan Mula Sa Cavite Para Makauwi Na Sa Nueva Ecija

Sa isang post ng netizen, makikita sa mukha ng isang matandang lalaki ang pagod at gutom nito nang lakarin niya ang daan patungo sa kanyang probinsya sa Gapan, Nueva Ecija mula sa Cavite. Ang netizen ay di naman nagatubiling na abutan si tatay ng tulong at umaasang makauwi na rin siya sa kanyang probinsiya.

Ang post ng netizen

Pauwi na si Rommel Ricamara nang makita niya ang isang matandang lalaki na may hila-hilang trolley sa Bacao, Cavite. Napansin raw ni Rommel na tila malayo ang pinanggalingan ni tatay kaya’t matapos siyang makauwi ay binalikan niya ito at binigyan ng kape’t tinapay.

Kahit sa simpleng pagkain na kanyang binigay, naniniwala si Rommel na kahit papaano ay naibsan niya ang pagiod at gutom na kanyang nasilayan sa mukha ni tatay.

Kilalanin si tatay

Ang matanda sa larawan ay si Mang Adonis Gomez, isang security guard na nawalan ng trabaho dahil nagsara na ang kaniyang agency.

Isang Matandang Sekyu, Kulang Ang Pera At Gutom Na Nilakad Ang Daan Mula Sa Cavite Para Makauwi Na Sa Nueva Ecija 2
Photo Credit: Facebook- Rommel Ricamara

Tinapay na lang ang kinakain ni tatay habang siya ay namamasukan pa sa opisina. At dahil nga hindi niya na kaya ang ganitong sitwasyon, napilitan na lamang si mang Adonis na ito ay lisanin.

Matiyagang nilakad ni tatay ang haba ng lakaran para makauwi sa Gapan, Nueva Ecija mula sa Cavite, kung saan siya naabutan ni Rommel.

Isang Matandang Sekyu, Kulang Ang Pera At Gutom Na Nilakad Ang Daan Mula Sa Cavite Para Makauwi Na Sa Nueva Ecija 3
Photo Credit: Facebook- Rommel Ricamara

Kahit kulang din ang pera, na nasa halagang P300 lamang, umaasa si tatay na siya ay tuluyan ng makauwi sa kaniyang bahay.

Ang pagtulong na ipinamalas

Sa pagsisikap ni Rommel na matulungan si Mang Adonis, inabutan niya ito ng P350 na nag-udyok din sa isang may mabuting puso na magbigay ng P100.

Isang Matandang Sekyu, Kulang Ang Pera At Gutom Na Nilakad Ang Daan Mula Sa Cavite Para Makauwi Na Sa Nueva Ecija 4
Photo Credit: Facebook- Rommel Ricamara

Hindi man sigurado na magkakasya ang kanilang perang ibinigay, umaasa si Rommel na sa kanyang pagbabahagi nito sa social media ay marami ang magnais na tulungan si tatay.

Umaasa rin siya na sana ay makauwi na nga si Mang Adonis sa kanyang probinsya, lalo’t wala raw itong kahit na anong contact sa kanyang mga anak na nasa Bicol.

Ayon kay Rommel, naihatid niya na papuntang sakayan si tatay, ngunit matapos nito ay wala na siyang balita kung nasaan na si mang Adonis.

Source: Facebook- Rommel Ricamara

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: