Press "Enter" to skip to content

Isang Musmos Sinampal Ng Kapitbahay Dahil Sa Nabasag Na Paso; Kamay, Lumatay Sa Mukha Ng Bata

Galit na galit ang isang netizen dahil sa pagsampal ng kanilang kapitbahay sa kanyang kapatid na lumatay pa sa mukha ng bata. Pinagbintangan kasi ang bata na siya ang nakabasag ng paso ng kapitbahay.

Nabasag na paso

Ayon kay Maan Torne, walang pruweba ang kanilang kapitbahay na si Badong Mancio sa bintang nito laban sa kanyang kapatid. Ayon sa bata, hindi siya ang nakasagi sa paso at natyempuhan lamang na andun ang bata ng makita ni alyas Badong ang basag nitong paso.

Isang Musmos Sinampal Ng Kapitbahay Dahil Sa Nabasag Na Paso; Kamay, Lumatay Sa Mukha Ng Bata 2

Dahil dito, agad nitong sinampal ang bata ng buong lakas. Makikita pa sa mukha ng bata ang bakas ng kamay nito, senyales na buong lakas ang ginamit sa pananakit sa bata. Makikita sa larawan ang pantal at pula sa pisngi ng bata kung kaya lalong nagalit ang pamilya nito.

Reklamo sa barangay

Sinubukan nilang ireklamo si Badong sa barangay subalit ni hindi man lang pinatawag ng kapitan ang nasabing lalaki. Anila, saka nalang ito ipapatawag kapag naulit ang pananakit. Maging ang mga kapitbahay nila ay pinagtatawanan lamang umano sila.

Isang Musmos Sinampal Ng Kapitbahay Dahil Sa Nabasag Na Paso; Kamay, Lumatay Sa Mukha Ng Bata 3

Ayon kay Maan, malakas ang kapit sa barangay ni Badong kung kaya hindi inaksyunan ang kanilang reklamo. Si Badong ay tatay umano ng isang Marlon Mancio na isang opisyal ng barangay.

Ang palusot ni Badong, isa sa mga kapitbahay ang nakakita na ang bata ang nakabasag ng paso. Subalit ayon kay Maan, ni walang sinasabi ang kapitbahay nila na iyon. Hindi rin tama na manakit ng bata si Badong dahil wala naman itong pruweba.

Child abuse

Child abuse ang ginawa ni Badong sa kanyang kapatid subalit matigas ito dahil may koneksyon ito sa kanilang barangay. Ani Maan, kahit ano pa ang dahilan nito ay wala itong karapatang na saktan ang kanyang kapatid.

Isang Musmos Sinampal Ng Kapitbahay Dahil Sa Nabasag Na Paso; Kamay, Lumatay Sa Mukha Ng Bata 4

Nananawagan si Maan na mapansin ito sa social media upang mabigyan ng aksyon. Wala umano silang maaasahan sa kanilang barangay kahit anong reklamo ang kanilang gawin.

Posted by Maan Torne on Friday, October 9, 2020

Shout out don sa sumampal sa kapatid ko. ''Badong" MANCIO. Sino ka po para saktan at sampalin yung kapatid ko? Wala…

Posted by Maan Torne on Friday, October 9, 2020

Source: Maan Tome

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: