Press "Enter" to skip to content

Isang OFW Na Ulirang Anak Ang Nagpabilib Kay Idol Raffy

Si Junaldo Cruz na isang cook at driver mula sa Spain ay bumisita sa himpilan ni Idol Raffy. Hindi upang magreklamo kundi magbigay ng inspirasyon sa kanyang kapwa Pilipino.

Kasama niyang dumalaw ang nanay niyang si Rosita Cruz na dati na daw nakapunta sa himpilan ni Idol. Ngayon daw ay nagpasama si Junaldo kay Nanay Rosita upang siya naman ang makakausap kay Idol.

Masipag na Anak

Habang nagkkwentuhan ay nabanggit ni Nanay na proud siya sa anak niya at buwan buwan daw ay di siya nakakalimutan nitong padalhan ng pera.

Isang OFW Na Ulirang Anak Ang Nagpabilib Kay Idol Raffy 1

Nabanggit rin nito na birthday pala niya noong araw na yun, at sabi pa ni Idol, sana daw ay binanggit niya upang naisalang siya sa studio.

Sekreto ni Nanay

Napabilib si Idol dahil hindi raw mukhang 78 years old na si Nanay. Kaya naman tinanong niya ano ba ang sikreto nito at mukha padin bata.

Isang OFW Na Ulirang Anak Ang Nagpabilib Kay Idol Raffy 2

Ayon kay Nanay, hindi raw siya nagiisip ng kung ano ano. Mahilig rin daw ito sa gulay at nageexcercise din.

Ulirang anak

Habang nagkkwentuhan napagalaman pa na sa limang magkakapatid, si Junaldo daw ang pinakamabait. Ayon kay Nanay, talagang hindi siya nito nakakalimutan buwan buwan, nagpapadala ito ng pera at sinasabihan silang kumain sa labas.

Isang OFW Na Ulirang Anak Ang Nagpabilib Kay Idol Raffy 3

Umuuwi rin tuwing January si Junaldo sa Pilipinas para ipaghanda si Nanay sa kanyang birthday. Sa ngayon, inaasikaso daw ni Junaldo ang mga papeles upang mapetisyon si Nanay at makapunta na din ng Spain.

Respeto hanggang langit

Napabilib ng husto si idol at sinabi niya na talagang pagpapalain si Junaldo dahil sa pagmamahal niya sa kanyang ina.

Ayon pa kay idol alam niya ito dahil mahal na mahal niya ang nanay niya. At nakasulat din daw sa Bibliya na pagpapalain ang mga anak na mapagmahal sa magulang.

Dahil dito, pinaghanda ng Raffy Tulfo in Action team si Nanay para sa kanyang birthday.

Panoorin dito ang kanilang nakakatuwang kwentuhan:

Credit: RTIA YouTube Channel

Source: YouTube

%d bloggers like this: