Press "Enter" to skip to content

Isang OFW Sa Kuwait, Sinasaktan Ng Kanyang Employer

Isang OFW sa Kuwait ang nagpapasaklolo dahil aniya sinasaktan siya ng kanyang amo. Pinost ng isang netizen sa social media ang kanyang iba’t-ibang pasa na natamo. Layunin din nito na matulungan ang OFW na makaalis na sa kanyang amo.

Humingi ng tulong

Humihingi ngayon ng tulong ang isang OFW na nasa Kuwait. Siya ay si Hazzel Jane Ponce. Ayon sa kanya, pitong buwan pa lamang siya doon pero sinasaktan na daw siya ng kanyang mga employer. Konting mali lang niya binubogbog na siya agad ng mga ito.

Aniya, pinagbabantaan na daw siya ng anak ng kanyang amo na papatayin siya. Kaya ganun na lang ang takot na nararamdaman ngayon ng OFW. Kaya nais niyang makaalis doon sa lalong madaling panahon.

Isang OFW Sa Kuwait, Sinasaktan Ng Kanyang Employer 2
Photo Credit: Yi Lim

Post ng isang netizen

Pinost ni Yi Lim sa kanyang Facebook ang naging sitwasyon ni Hazzel. Makikita sa mga larawan ang mga pasa na kanyang natamo mula sa kanyang employer. Ayon kay Hazel, mula ng pagdating niya dito ay lagi na siyang sinasaktan ng mga ito.

Isang OFW Sa Kuwait, Sinasaktan Ng Kanyang Employer 3
Photo Credit: Yi Lim

Kaya sabi ni Yi Lim sa kanyang post, kailangan na daw ni Hazel ng tulong para mailigtas na siya doon. Natatakot siya na baka maging huli na ang lahat kapag tumagal pa doon ang babae.

Sana matulungan na siya

Hangad ngayon ng lahat na matulungan si Hazel sa kanyang sitwasyon ngayon. Kaya nga nais ni Yi Lim na makarating sa kinauukulan ang nangyayari sa kanya. Para naman makuha na siya at makauwi na rin sa kanila.

Isang OFW Sa Kuwait, Sinasaktan Ng Kanyang Employer 4
Photo Credit: Yi Lim

Sadyang mahirap talaga ang magpa-alipin sa ibang bansa. Hindi na bago sa atin ang ganitong mga balita, mula pa noon hanggang ngayon. Pero kung titingnan natin bakit marami pa rin ang pumupunta sa ibang bansa, para magtrabaho.

Gayunpaman, hindi natin sila masisisi dahil hangad lang naman nila na mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya. Maaaring madaling sabihin na bakit pa ba sila umaalis eh maraming trabaho dito sa Pilipinas. Pero wala tayo sa sitwasyon nila. Kaya mahirap manghusga.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: