Press "Enter" to skip to content

Isang OFW Sa Saudi, Nagpapasaklolo Mula Sa Manyak Na Amo

Ang mga OFW ay mga “modern day heroes” ika nga nila. Ang mga ito ay nakikipagsapalaran sa ibang bansa na may dayuhan na amo upang mabigyan lamang ng maayos na buhay ang kanilang pamilya sa Pilipinas.

May iba sakanila na swerte sa amo, ngunit may iba naman din na nattyempo sa among malupit.

Bangungot

Sa isang video, kinwento ni Jasmine Perez, isang OFW sa Saudi ang kanyang malupit na sinapit sa kanyang among lalaki sa pinagtatrabahuan niya.

Ayon sakanya, February 9, 2020 ng mga 7:30 ng umaga raw ay naglilinis siya ng bahay magisa dahil walang ang amo niyang babae, at ang among lalaki naman niya ay inihatid ang mga bata sa eskwelahan.

Lilipat na sana siya sa bahay ng nanay ng amo niyang babae nang harangin siya ng amo niyang lalaki na dumating na pala. Pilit daw siyang hinalikan sa leeg at pinigilan makalabas. Ayon kay Jasmine nanonood daw ang amo niya ng malaswang palabas at pilit itong pinapakita sakanya.

Dito na siya nagpumiglas at tsaka siya pinakawalan. Sinabi pa nito sakanya na wag magsusumbong.

Palaban

Ngunit hindi nagpatakot si Jasmine at nagsumbong siya sa amo niyang babae. Agad naman daw nagpatawag ng meeting na sila silang magkakaharap ang babaeng amo. Nung naguusap daw sila ay tatawa tawa pa ang lalaki.

Kahit daw ipinakita niya ang mga ginawa ng lalaki ay hindi daw siya pinakinggan. Nagsabi siya na dalhin nalang siya sa agency niya, ngunit hindi daw pede dahi malaking problema daw yun ayon sa kanyang mga amo.

Nagmatigas siya at nag balot ng gamit ngunit hinabol siya ng mga amo niya at sinabihan na hindi na mauulit.

Paghingi ng tulong

Ngunit takot na siya at alam niya na kahit sabihin na hindi na mauulit ay maaari padin maulit. Kaya naman ngayon ay naghihingi ng tulong si Jasmine sa mga nais magpahatid ng tulong sakanya.

Nabanggit rin nito na may butas sa puso ang anak niyang naiwan sa Pilipinas kaya siya nagaborad.

Basahin sa litrato ang mga detalye kung paano siya matulungan. Dahil pati ang mismong agency niya daw ay walang ginagawa.

Nawa’s ishare niyo to upang marating ang mga dapat mapuntahan.

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: