Isang Overseas Filipino Worker (OFW) na nakabase sa Taiwan ang nakatakdang ideport sa Pilipinas at haharap sa kasong cyberlibel. Ito ay matapos mag post sa social media ng mga paninira umano kay Pangulong Duterte.
Binalaan
Kinilala ang OFw na si Elanel Ordidor na isang caregiver sa Taiwan. Ayon kay Labor Attache Fidel Macauyag, pauuwiin si Ordidor matapos kumalat sa social media ang post nito na may intensyon na magpalaganap ng pagkamuhi sa gitna ng krisis na kinakaharap ng bansa.

Sabi ni Macauyag, binisita niya sa kanyang pinagtatrabahuhan si Ordidor noong Lunes, Abril 20, upang balaan siya na maari siyang makasuhan dahil sa kanyang video post. Nangako umano si Ordidor na buburahin na ang lahat ng ina-upload niyang video laban sa presidente.
Sumumpa rin umano siya na di na ulit gagawin iyon. Dagdag pa ni Macauyag, sinabi din umano ni Ordidor na magbibigay siya ng public apology para kay Pangulong Duterte.
Fake account
Subalit, ilang oras matapos ang kanilang pag-uusap, ilang post umano ang muling kumalat at nakita sa Philippine Overseas Labor Office Taichung Facebook page. Ang mga nasabing post ay sumusuporta sa sinasabi ni Ordidor.
Napagalaman ni Macauyag at ng iba pang labor officials na gumagamit pala ng apat ng fake accounts si Ordidor upang siraan at magdulot ng kaguluhan sa gobyerno. Hindi umano ito tumapad sa kanyang ipinangako ng huling mag-usap sila.

Kabilang sa mga fake account na ginagamit umano ni Ordidor ay may pangalang Lenale Elanel Egot, Mha Lan Dee, Linn Sinawan, at Hampas Lupa.
Kontrobersyal na video
Ang kontrobersyal na video ay pinost sa Top Viral Video Page at umani ng napakaraming views at comments. Makikita sa video ang pagtuligsa ni Ordidor sa desisyon ng pangulo na magpatupad ng lockdown upng masugpo ang nakamamatay na virus.

Sa video, galit na tinanong ni Ordidor kung talagang pinag isipan mabuti ng pangulo ang kanyang desisyon. Aniya, hindi sa virus mamamatay ang mga pilipino kundi sa gutom. Hinimok din niya ang mga sumusuporta sa pangulo na huwag masyadong maniwala sa pangulo.
Kinatigan si Ordidor
Samantala, kinondena ng OFW welfare group na Migrante sa pangunguna ni Migrante International Chairwoman Joanna Concepcion ang pagpapa deport kay Ordidor. Anila,” harassment” at paglabag sa “democratic right to freedom of expression” ang ginawang ito kay Ordidor.
“Migrante International strongly warns (the labor department) to stop the harassment of Elanel Egot Ordidor. Stop using critical OFWs as punching bag just to divert attention away from Duterte regime’s inutility in this period of crisis,” – Conception

Ayon kay Macauyag, ang post ni Ordidor ay labag sa Republic Act No. 10175, o mas kilala bilang Cybercrime Prevention Act. Maaring makulong ng aabot sa anim na buwan o magbabayad ng P250,000 kung mapapanuyang guilty si Ordidor.
Panoorin dito ang nasabing video:
Source: Inquirer
Be First to Comment