Press "Enter" to skip to content

Isang Pagsaludo Sa Mga Bayaning Frontliners Na Ibinuwis Ang Buhay Laban Sa COVID-19

Ating kilalanin ang apat na magigiting na mga doktor na pumanaw habang nakikipag-laban para sa bayan. Sila ay ilan lamang sa mga bayani na sa kabila ng bawat batikos na kanilang natanggap ay hindi pa rin nag-dalawang isip na tumulong. Sa kabila ng banta sa kanilang mga buhay, sila ay walang takot na hinarap ang panganib ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Dr. Israel Bactol

Si Dr. Israel ay nagmula sa bayan ng Peñaranda, Nueva Ecija, at isang Cardiologist sa Philippine Heart Center. Sa edad na 34 anyos, pumanaw ang doktor noong ika-21 ng Marso.

Pumanaw ang doktor matapos siyang mag-positibo sa COVID-19 nang siya ay maexpose sa isang pasyente na inilihim umano sa kanyang travel history.

Ayon sa isang post sa Facebook, ang doktor ay nakapagtapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng scholarships. Kinalaunan, siya na rin ang naging breadwinner ng kaniyang pamilya.

Labis ang pagka lungkot ng mga taong nag-mamahal at mga nakaka-kilala kay Dr. Israel, o mas kilala bilang “Dr. B”. Ayon pa sa kanila, kilala siya bilang isang mabait, matalino, at masipag na manggagamot.

Salmat po Dr. Israel Bactol.. isa kang tunay na bayani… my condolences sir Elijah Bactol Trial De Novo (my former…

Posted by Lance Go Llanes on Saturday, March 21, 2020

Dr. Greg Macasaet

Si Dr. Greg ay isang anesthesiologist sa Manila Doctors Hospital. Ang doktor ay pumanaw noong ika-22 ng Marso.

Isa si Dr. Greg sa mga doktor na pumanaw at nagpositibo sa COVID-19 matapos ding makasalamuha ang isang pasyenteng COVID-19 na inilihim umano ang kaniyang travel history.

Isang mabuting asawa at dakilang ama sa anak na may espseyal na pangangailangan ang pumanaw na doktor. Tinawag niyang “weekend farmers” ang kaniyang pamilya dahil sa madalas silang magpunta sa kanilang farm sa Batangas at Laguna upang magrelax at magpahinga.

Kasalalukuyan namang naka-quarantine ang asawa ni Dr. Greg na si Dr. Evalyn Macasaet, isa ring anesthesiologist sa Manila Doctors Hospital matapos na magpositibo sa COVID-19

Romeo Gregorio "Greg" Macasaet III MD Class 1983He died on March 22, 2020 from ARDS due to Covid 19. Greg, as I…

Posted by Jun David on Saturday, March 21, 2020

Dr. Rose Pulido

Si Dr. Rose ay isang medical oncologist sa San Juan de Dios Hospital. Isa rin siya sa tatlong doktor na nagpositibo at pumanaw habang matapang na nakikipag-laban sa COVID-19

Labis na kalungkutan para sa mga taong nagmamahal kay Dr. Rose kabilang ang mga taong naligtas ang buhay nang dahil sakanyang kadakilaan at dedikasyon sa trabaho.

Isang Pagsaludo Sa Mga Bayaning Frontliners Na Ibinuwis Ang Buhay Laban Sa COVID-19 2

Dr. Raul Jara

Si Dr. Raul ay ang dating presidente ng Pilippine Heart Associatio (PHA). Ang doktor ay pumanaw ika-24 ng Marso matapos magpositibo sa COVID-19.

Isa si Dr. Raul sa mga doktor na natamaan ng virus dahil sa isang pasyente na inilihim ang travel history.

Isang dakilang ama, guro, manunulat, mang-aawit, at kaibigan. Ganyan inilarawan si Dr. Raul ng kanyang mga kasamahan sa PHA.

“It is with profound sadness that we announce the loss of one of the great pillars of cardiology, PHA past president Dr. Raul Diaz Jara. He was a great father, teacher, mentor, poet, author, singer, colleague, friend,” – PHA

Isang Pagsaludo Sa Mga Bayaning Frontliners Na Ibinuwis Ang Buhay Laban Sa COVID-19 3

Saludo po kami sainyo

Nais naming magpasalamat sa mga bayaning #Frontliners. Sa kabila ng mga banta sa kanilang kalusugan ay ipinagpatuloy pa ring gampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin hanggang sa huling sandali ng kanilang buhay.

Sa kabila ng panganib ay nilimot ang sariling kapakanan upang maisakatuparan ang tapat na paglilingkod sa taumbayan.

Sa aming mga mahal na mga doktor, maraming salamat po. Hindi matutumbasan ng anumang bagay ang sakripisyong binigay ninyo kapalit ang pagkakaligtas ng buhay ng maraming tao.

Isang Pagsaludo Sa Mga Bayaning Frontliners Na Ibinuwis Ang Buhay Laban Sa COVID-19 4

Matinding sakripisyo, hindi lamang sainyong mga doktor kundi maging sa lahat ng frontliners at kanilang mga pamilya.

Salamat po sa inyong serbisyo.

Isang Pagsaludo Sa Mga Bayaning Frontliners Na Ibinuwis Ang Buhay Laban Sa COVID-19 5

Salamat sa oras na ibinigay ninyo upang mapangalagaan ang aming mga magulang, anak, asawa, at mga mahal sa buhay kahit na kapalit nito ay oras na dapat sana’y kasama ninyo ang inyu-inyong mga pamilya.

Hindi namin malilimot ang lahat ng ginawa ninyo para sa bayan. Hindi namin kayo malilimutan.

Salamat, doc. Saludo po kami sa inyo!

Ibahagi natin ang inyong kwento

Para sa mga frontliners o may kilalang frontliners na nais mag-bahagi ng kanilang kwento maari po kayong magpadala ng mensahe sa aming official Facebook page na Pinas Balita

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: