Press "Enter" to skip to content

Isang Pamilya, Sa Jeep Tumira Matapos Palayasin Sa Inuupahang Bahay

Dulot ng pinagdadaanang krisis sa bansa, isa sa mga higit na apektado ay ang mga nagtratrabaho bilang drayber ng mga pampublikong sasakyan. Liban sa pangkain at panustos sa bawat araw, isa sa mga pinoproblema ng marami ngayon ay ang pagbabayad ng renta sa bahay.

Pinalayas

Viral ngayon sa social media ang isang pamilya na sa jeep na lamang nakatira matapos palayasin ng may-ari ng inuupahan nilang bahay. Sila ay kasalukuyang naglalagi sa N. S. Amoranto, Laloma Quezon City. Sa post ng news correspondent ng GMA na si Bernadette Reyes ay mga litrato ng isang pamilya na sa loob na lamang ng jeep naninirahan. Kasama ng mag-asawa ang kanilang tatlong anak na maliliit pa.

Isang Pamilya, Sa Jeep Tumira Matapos Palayasin Sa Inuupahang Bahay 2

Pantawid sa araw-araw

Umaasa na lamang umano ang pamilya sa mga nagdaraang mga motorista na namimigay ng tulong tulad ng mga pagkain at iba pang pangangailangan. Sa labas ng jeep ay may karatula na nagsasabi,

“Mam/sir, pahingi po nang konting tulong. Maraming maraming salamat po.”

Isang Pamilya, Sa Jeep Tumira Matapos Palayasin Sa Inuupahang Bahay 3

Ayon kay Reyes,

“Pamilya ng mga jeepney driver nakatira ngayon sa pinapasadang jeep dahil wala nang pambayad sa upa mula nang matigil ang byahe. Umaasa sila sa mga dumaraang motorista para maitawid ang pangkain araw-araw. Sa jeep sila natutulog at kumakain habang sa gilid ng kalsada sila nagluluto at naglalaba.”

Isang Pamilya, Sa Jeep Tumira Matapos Palayasin Sa Inuupahang Bahay 4

Nahabag

Maraming netizen ang nahahabag sa kasalukuyang kalagayan ng pamilya. Higit pa riyan, ikinababahala din ng mga ito ang sitwasyon ng mga bata lalo na at napakainit ng panahon. Marami din ang nagpabatid na maghatid at magbigay ng tulong sa pamilya. Hiling naman ng iba ay mapansin o mabigyan ng atensyon ng lokal na gobyerno ng Quezon City ang nakakalungkot na sinapit ng pamilya.

Ireklamo

Hirit naman ng ibang netizens, dapat ay mapanagot ang landlord na nagpalayas sa pamilya dahil aniya labag sa Bayanihan Act ang magpalayas ng mga renter sa gitna ng pandemic.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: