Press "Enter" to skip to content

Isang Pinay OFW Sa Kuwait, Nawalang Parang Bula Matapos Tangayin Ng Kanyang Amo

Last updated on June 3, 2020

Nananawagan ang asawa at mga kaibigan ngayon ng isang Pinay domestic workers sa Kuwait dahil sa tila parang bula na pagkawala nito. Hinala nila, malaki ang kinalaman ng amo nito dahil ito ay kasama nito bago mawala.

Pagkawala ni Sanson

Ayon sa Facebook post ni Richmond Magno noong Linggo, ika 31 ng Mayo, wala silang ideya kung nasaan ngayon ang asawa niyang si Devine Grace Sanson. Ayon sa kwento niya, sinundo si Sanson ng kanyang amo kasama ang iba niyang kasamahan sa bahay ng kapatid nito. Subalit inunang sunduin si Sanson at mahigit isang oras pa bago binalikan ang mga kasamahan nito.

Isang Pinay OFW Sa Kuwait, Nawalang Parang Bula Matapos Tangayin Ng Kanyang Amo 2

Pagdating umano ng kasamahan niya sa bahay ng kanilang amo ay naroon naman ang tsinelas ni Sanson kung kaya hindi siya nag isip ng masama. Subalit, lumipas ang ilang oras hanggang sa matutulog na lamang sila ay hindi pa rin niya nakikita ni anino ni Sanson. Magkasama sila sa iisang kwarto kung kaya nagtataka ang kasamahan nito kung bakit hindi niya mahagilap si Sanson.

Dahilan ng pagkawala

Ayon naman kay Bhabie Raliuga, isang concerned citizen, nagkwento ang kasamahan nitong nagngangalang Marites tungkol sa isang insidente na maaaring dahilan ng pagkawala ni Sanson. Ayon umano kay Marites, nadulas ang alagang bata ni Sanson habang pinapakain niya ito dahil sa kalikutan.

Isang Pinay OFW Sa Kuwait, Nawalang Parang Bula Matapos Tangayin Ng Kanyang Amo 3

Dahil dito, nagkabukol ang bata kung kaya agad itong dinala ng kanilang amo sa ospital. Pagkabalik mula sa ospital, doon na umano kinuha ng kanilang amo si Sanson. Wala umanong dala ni tsinelas si Sanson. Lahat ng gamit nito maging ang pera at cellphone ay naiwan sa bahay kung kaya hindi ito makontak.

Amo ang salarin

Pinagbantaan pa umano si Marites ng kanilang amo na kung makikialam pa ay baka patayin siya nito o kaya naman ay ipapakulong ng 10 taon. Inutusan din siya umano nito na iblock ang mga kapamilya ni Sanson dito sa Pinas ng sa gayon ay walang makuha na kahit anong balita ang mga ito sa kanya.

Nananawagan ang pamilya ni Sanson sa tanggapan ng OWWA sa Kuwait na sana ay matulungan silang mahanap si Sanson. Mahigit 24 oras na ng nawawala si Sanson ng araw na mag post sila kung kaya opisyal na itong missing person. Kung may nakakakilala at nakakita kay Sanson ay sana ay ipagbigay alam ito sa pamilya.

Panoorin ang video dito.

Source: Bong Concha

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: