Press "Enter" to skip to content

Isang Pinoy Digital Painter, Itinampok Sa Isang Sikat Na Italian Art Book

Ang digital painter na nagngangalang Rebie Ramoso ay itinampok sa “Atlante Dell’ Arte Contemporanea” – isang atlas ng mga contemporary arts. Siya lamang ang kaisa-isang Pilipino mula sa 800 na mga pintor na napasama ang obra sa kilalang libro na nasabi.

Si Rebie Ramoso

Mula sa isang post ni Rebie Ramoso, isinalaysay dito kung sino siya at kung saan-saan niya naitampok ang kanyang mga obra. Ayon sa post, si Rebie Ramosa ay ipinanganak noong 1977 sa Manila. Siya ay nag- aral sa Miriam College, at nagtapos bilang valedictorian noong highschool.

Isang Pinoy Digital Painter, Itinampok Sa Isang Sikat Na Italian Art Book 2
Photo Credit: Rebie Ramoso

Kasunod nito, siya ay nag-aral ng pagpipinta sa University of the Philippines Diliman, habang nag-aaral naman siya ng Psychology sa Ateneo de Manila University kung saan nagtapos siya bilang Cum Laude. Siya ang nagtatag at Chief Product Designer ng Quarkus, at siya ay miyembro ng Kababaihan sa Sining at Bagong Sibol na Kamalayan (Kasibulan) at ng Art Ventures and Advocacy Network (ARTVAN).

Ang pagtatampok

Si Rebie Ramoso ang isa sa dalawang Asyano na kinilala sa atlas 2020 na edition. Siya ay nakatanggap ng pag-apruba mula sa komite ng “Atlante dell’Arte Contemporanea” 2020 na kung saan itinatag sa MAXXI Foundation, National Museum sa Rome noong Hunyo 5 sa taong ito.

Isang Pinoy Digital Painter, Itinampok Sa Isang Sikat Na Italian Art Book 3
Photo Credit: Rebie Ramoso

Ang Art critic at Artistic Director na si Dr. Rosi Raneri ay nagpahayag ng kanyang mga nakita sa obra.

“The strength of the artistic research of young artist, Rebie, is that she dwells in capturing the emotion and psychology of experiences, allowing us to understand the motivations of the women in her paintings; such that we are moved to visually read their thoughts.” he said

(Ang kalakasan ng batang manlilikha, na si Rebie, ay natatalakay niya ang emosyon at sikolohikal na mga karanasan,na kung saan hinahayaan nitong maintidihan namin ang motibasyon ng mga babae sa kanyang mga obra; at sa ganong paraan ay nababasa namin ang naiisip nito kahit tinitingnan lamang.)

Iba pang obra

Maliban pa sa obra na may pamagat na “How I Forget You” 2017, may ilan pa siyang kilalang mga obra na nailagay sa mga exhibits. Ito ay ang mga “The Long Forgetting,” na kung saan nakatanggap ng Special Merit Award sa 5th Annual All Women Art Exhibition, sa Florida, USA noong 2015. Ang kanyang solo exhibition na tinawag na “The Stories That Write Us”, na nangyari sa Galleria La Pigna sa Italy noong Mayo 2019.

Isang Pinoy Digital Painter, Itinampok Sa Isang Sikat Na Italian Art Book 4
Photo Credit: Rebie Ramoso

Ayon kay Rebie Ramoso, ang pagkakatampok sa kanya ay isang matibay na paalala sa kung sino talaga siya at kung ano ang nais niyang ibahagi sa mundo. Para masaksihan ang iba pa niyang mga obra, pumunta lamang sa kanyang website Rebie Ramoso upang magkaroon pa ng ibang impormasyon ukol sa painter.

Source: Good News Pilipinas

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: