Press "Enter" to skip to content

Isang Pulis At Kasabwat, Tiklo Sa Isang Buy-Bust Operation Sa Palawan

Nahuli sa isang anti-illegal drugs operation na isinagawa ng Palawan City Anti- Crime Task Force, Palawan Drugs Enforcement Units (PDEU) and ng Peace and Order Program, ang isang pulis at ang kasabwat nito sa siyudad ng Puerto Princesa, Palawan noong Ika-1 ng Hunyo.

Pulis at kasabwat

Kinikilala ang pulis na si Master Sgt. Abejo Publico edad 40-anyos.  Kasama nito ang kaniyang kasabwat na si Arnel Ramirez Alvadade, 37- anyos.

Isang Pulis At Kasabwat, Tiklo Sa Isang Buy-Bust Operation Sa Palawan 2
Photo Credit: RGMA Super Radyo DYSP 909Khz Palawan

Ibinahagi ni Puerto Prinscesa City Police Office (PPCPO) Director Col. Marion Balonglong, na ang nasabing buy-bust operation ay unang naganap sa Barangay Bagong Sikat kung saan nakikipagtransaksyon si Alvarade sa isang police asset habang nag aantay si Publico sa isang itim na Ford Everest.

Pagsuko

Sinasabing natunugan ni Publico na isa itong entrapment operation at agad agad na nagpatakbo ng mabilis kung saan siya ay hinabol at naabutan ng mga awtoridad sa Barangay San Manuel habang nakikipagpalitan ng putok hanggang sa kusa itong sumuko. Nabawi kay Publico ang 2 baril at isang bag na naglalaman ng sachet ng hinihinalang shabu, mga ID at mga dokumento.

Isang Pulis At Kasabwat, Tiklo Sa Isang Buy-Bust Operation Sa Palawan 3
Photo Credit: RGMA Super Radyo DYSP 909Khz Palawan

Kasabwat

Ibinahagi din ni Balonglong na may dalawang taong inaresto na pilit tumulong kay Publico upang makatakas. Sila ay napangalanang Simplicio Ibañez Yayen at Gina Barda Yayen na taga Barangay San Manuel.

“Ihinarang umano nila ang kanilang katawan upang makatakas si Publico”

Pahayag ni Balonglong

Sa kasalukuyan, si Publico ay sumailalim sa isang pagamutan sa Palawan habang ang tatlong kasamahan niya ay kasalukuyang ikinulong ng PPCPO.

Panuorin rito ang video:

SPECIAL COVERAGE: ANTI DRUG OPERATION NG CDEU, PDEU AT CIDG PALAWAN NA NAGRESULTA SA HABULAN AT BARILAN NG MGA AWTORIDAD AT SUSPEK NA ISANG PULIS, MULA BGY. MAUNLAD HANGGANG BGY. SAN MANUEL, SUSPEK AT KASAMA NITONG SIBILYAN, ARESTADO !!!TUMUTOK LANG SA DYSP SUPER RADYO 909KHZ PARA SA KAUGNAY NA BALITA!!!

Posted by RGMA Super Radyo DYSP 909Khz Palawan on Sunday, May 31, 2020

Source: RGMA Super Radyo DYSP 909Khz Palawan

3 Comments

  1. marceline marceline June 7, 2020

    Mga pulis na ganyan dapat binibitay!!!!!!

    • Francis Francis Post author | June 17, 2020

      Sa tamang paglilitis maari po natin itong ipatupad.

  2. Badz Badz June 8, 2020

    Grabe ha, grabe naman ang mga yan!!

Leave a Reply

%d bloggers like this: