Press "Enter" to skip to content

Isang Taho Vendor May Naisip Na Pakulo Upang Mapanatili Ang Social Distancing

Isang 52 taong gulang na taho vendor ang gumagamit ng isang simpleng tool upang matiyak ang physical distancing mula sa kanyang mga customer. Ito ay isang stick na may isang metro ang layo at mayroong isang tray sa dulo.

Ang pagsunod sa mga alituntunin

Pinahihintulutan na ngayon ang mga vendor na ilako ang kanilang mga paninda basta matiyak lamang ang mga hakbang ukol sa quarantine at social distancing.

Kinakailangan pa rin nilang sundin ang mga protocol upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.

Isang Taho Vendor May Naisip Na Pakulo Upang Mapanatili Ang Social Distancing 2

Ang mga regulasyon na ito ay ginawa mismo ng isang taho vendor na si Ruben Tolentino.

Kilalanin ang mangtataho

Si Tatay Ruben, isang mangtataho mula sa Tarlac City. Ito ang kanyang pinagkakakitaan sa loob ng 20 taon.

At dahil nga sa mga health protocols na kaniya dapat sundin, naisipan niyang gumawa ng improvised stick para masiguro ang social distancing.

Isang Taho Vendor May Naisip Na Pakulo Upang Mapanatili Ang Social Distancing 3

Sa halip na iabot nang direkta sa kanyang mga customer ang biniling taho, inilalagay niya na lamang ito sa tray at ang customer na ang kukuha nito.

Imbis na iabot din and bayad kay Ruben, iniiwan nalang ng mga bumibili ang bayad sa parehong tray.

Karagdagang pag-iingat ni Tatay

Si Ruben ay naglagay rin ng sign upang paalalahanan ang mga customer na sanayin ang social distancing kapag bumibili ng kanyang taho.

Isang Taho Vendor May Naisip Na Pakulo Upang Mapanatili Ang Social Distancing 4

Bilang pag-iingat pa ni tatay, nagsusuot din siya ng face mask, face shield at plastik na guwantes sa tuwing hahawakan ang tasa at pantakal.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: