Press "Enter" to skip to content

Isang Tatay Ang Napaiyak Dahil Sa Naiwang Pamilya Sa Gitna Ng Krisis!

Si Hermie Mungkal na isang ama ang napaiyak habang kinakausap ng isang pulis. Sa kadahilanang wala ng makain ang kaniyang pamilya na naiwan sa kanilang lugar sa lungsod ng Zambales, sa gitna ng krisis.

Isang pulis

April 15 nang mangyari na madaanan ng pulis na si Nely Cobol na naglalakad pauwi sa kanilang tinutuluyan si tatay Hermie at kasama ang katrabaho na si Leonard Ednalan. Sa kaniyang panayam sa video napapaiyak na sinabi, na siya ay napilitang umalis sa kanilang lugar.

Isang Tatay Ang Napaiyak Sa Gitna Ng Krisis

Ito ay dahil wala na silang makain ng kaniyang pamilya na naiwan sa kanilang lugar. Pinabayaan din di umano sila ng kanilang kumpanya na kanilang pinagtatrabuhan dito sa Maynila, sa gitna ng nangyaring krisis.

Isang Tatay Ang Napaiyak Sa Gitna Ng Krisis

Ang video

Ang video ay kuha mismo ni Nely Cobol na siyang kumausap at tumulong kay tatay. Sa kalagitnaan ng pagtatanong ay nalaman din nito na si tatay ay hindi pa kumakain, kaya naman agad niya itong binigyan ng makakain.

Isang Tatay Ang Napaiyak Sa Gitna Ng Krisis

Bukod pa dito, ay kaniya ding inabutan ng pera at sinabing, ito ay ipadala sa kaniyang pamilya na naiwan sa nasabing lugar.

Panawagan

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay nanawagan din ang pulis sa kaniyang mga ka-iglesia at namumuno sa lungsod. Ito ay upang humingi ng tulong para sa pamilyang naiwan ni tatay hermie at maging ng kaniyang kaibigan doon sa kanilang lugar.

Isang Tatay Ang Napaiyak Sa Gitna Ng Krisis

Lubos naman ang pasasalamat ni tatay hermie sa natanggap niyang hindi inaasahang tulong , na nagmula pa sa isang pulis. Sila naman din ay pinaalalahanan ng pulis na mag-ingat sa kanilang pag-uwi, sapagkat mailap ang sasakyan sa ganitong sitwasyon.

Tumutulong

Si Nely Cobol ay residente sa bayan ng Laguna, at siya’y buong pusong tumutulong sa ilang mga nangangailangan sa gitna ng lockdown. Sa katunayan ay marami na siyang natulungan bukod kay tatay hermie.

Isang Tatay Ang Napaiyak Sa Gitna Ng Krisis

Ang kaniyang video na inupload sa kaniyang social media ay umani naman ng mga positibong kumento. Ito din ay nagiging daan ngayon upang makapagpa-abot ang iba, ng kanilang mga tulong sa pamamagitan niya.

Narito ang nasabing video

Napaiyak si Tatay dahil wala nang makain ang naiwan nyang pamilya.

Umiiyak ang Ama sa kaniyang pamilya na nasa brgy. Salaza, Palauig, Zambales wala na daw makain po at masaing dahil wala na maipadalang sweldo mula noong mag start po ang lockdown😣😣😣Video: Nely Cobol

Posted by Liza TV on Friday, April 17, 2020

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: