Press "Enter" to skip to content

Isang Tiyahin Nahaharap Sa Patong-Patong Na Kaso Dahil Umano Sa Pagpatay Sa 7 Taong-Gulang Niyang Pamangkin

Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso ang isang tiyahin sa Baguio dahil umano sa kalunos-lunos na pagpatay sa kanyang sariling pamangkin, ito ang ulat matapos malaman ang resulta sa isinagawang autopsy sa biktima.

Ang pagtanggi ng suspek

Ayon sa ulat ng 24 Oras, ang biktima na si Buboy ay natagpuan na may mga pasa sa kanyang mga bisig, binti, likod, pati na rin ang leeg.

Sa ulat, inamin raw ng tiyahin na si Buboy mismo ang siyang nagpakamatay.

Isang Tiyahin Nahaharap Sa Patong-Patong Na Kaso Dahil Umano Sa Pagpatay Sa 7 Taong-Gulang Niyang Pamangkin 2
Photo Credit: GMA News

Sabi ng suspek,

“Nung hawakan ko po siya at gisingin ko, ‘yun po bigla kong nakita ‘yung tali na nakatali sa leeg niya. Tapos ‘yun po nagmadali po akong tinanggal ko, tapos nagsisigaw ako,”

Ayon kay Police Colonel Allen Rae Co, director ng lungsod ng Baguio Police Office, ang alibi ng tiyahin ay hindi tumutugma at kataka-taka.

Aniya,

“Paano po magagawa nung bata ‘yun? And ‘yun pong pangyayari ay nasa mababang parte ng bintana, tinali ‘yung scarf na malambot po, ‘yung knitted scarf, na-istretch po ito,”

Ang kalunos-lunos na sinapit ng biktima

Dagdag pa ni Co,

“[N]adatnan po nila ‘yung bata na naka-upo, na nag-bigti. So this does not drive at hindi po, it’s almost an impossibility to hang yourself in this way,”

Isang Tiyahin Nahaharap Sa Patong-Patong Na Kaso Dahil Umano Sa Pagpatay Sa 7 Taong-Gulang Niyang Pamangkin 3
Photo Credit: GMA News

Ngunit ang mga paratang na ito ay mariin paring itinanggi ng tiyahin at sinabing,

“Hindi ko po kayang gawin po ‘yan. Itinuring ko na po siyang parang anka ko po kaya hinid ko po kayang gawin ‘yun sa kanya”

Ang resulta ng autopsy ay nagpakita na si Buboy ay namatay dahil sa asphyxia, pagsakal sa leeg ng bata sa pamamagitan ng pagbigti rito. Sinabi rin ng mga awtoridad na matagal nang inaabuso ang bata.

Isang Tiyahin Nahaharap Sa Patong-Patong Na Kaso Dahil Umano Sa Pagpatay Sa 7 Taong-Gulang Niyang Pamangkin 4
Photo Credit: GMA News

Pahayag ng pulisya,

“We conducted further ‘yung investigation natin at lumabas nga na merong history of abuse dito. We have witnesses to, ano, na susumpa na ito po’y nakikita nilang inaabuso itong bata,”

Sinubukan pa umanong itakas ang biktima

Sinubukan din ng tiyahin na kunin ang katawan sa Ifugao upang hindi ito ma-autopsy. Gayunpaman, hindi siya nakatakas sa mga awtoridad.

Dagdag pa ng awtoridad,

“Pilit po nilang itinatago ‘yung nangyari sa kaawa-awang batang ito. Wala rin po silang travel authority during the time na pumunta sila sa Ifugao.”

Isang Tiyahin Nahaharap Sa Patong-Patong Na Kaso Dahil Umano Sa Pagpatay Sa 7 Taong-Gulang Niyang Pamangkin 5
Photo Credit: GMA News

Samantala, nilinaw ng kapatid ng biktima na hindi tinangka ng suspek na itago ang katawan ng biktima, at sinasabing nais lamang nila na makita ang katawan bago ito sumailalim sa autopsy.

Ang suspek ay kasalukuyang sumasailalim sa quarantine.

Mahaharap siya at ang kanyang asawa sa mga kasong pagpatay, paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, Discrimination Act, obstruction of justice, at paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: