Press "Enter" to skip to content

Isang Tsino Inaresto Matapos Tawaging ‘Gago’ Ang Bantay Sa Checkpoint

Caloocan City – Inaresto sa isang baranggay sa Caloocan City ang isang lalaking Chinese na lumabag umano sa Enhance Community Quarantine (ECQ).

Pagsita sa banyaga

Ayon sa nag viral na video, nag sisigaw ang isang Chinese National na naka motor habang tinatawag niyang “gago” ang mga nakabantay sa isang checkpoint sa Brgy 67 Caloocan City ngayong hapon lamang.

Isang Tsino Inaresto Matapos Tawaging 'Gago' Ang Bantay Sa Checkpoint 2
Photo credits: GMA News

Ayon sa Police Colonel Dario Menor, hinarang ang lalaki dahil ang quarantine pass na dala nito ay para sa kabilang baranggay na hindi pa naka schedule lumabas para mamali.

Isang Tsino Inaresto Matapos Tawaging 'Gago' Ang Bantay Sa Checkpoint 3
Photo credits: GMA News

Ani niya,

“Yung dalal-dala niyang home quarantine pass ay hindi supposed to be lalabas sa bahay kasi coding sila noong araw na iyon. He is unauthorized person outside residence that day.”

Pag aresto

Dagdag pa ni Menor, noong kinukitya na ng tsino ang mga nakabanatay ay ng desisyon na silang arestuhin ito. Batay sa salaysay ng mga nasa checkpoint, naging bastos umano ang tsino.

Isang Tsino Inaresto Matapos Tawaging 'Gago' Ang Bantay Sa Checkpoint 4
Photo credits: GMA News

Paliwanag naman ng naarestong tsino, mainit lamang daw ang kaniyang ulo sa oras na iyon kaya siya nakipag talo sa mga naka bantay at tinawag niya itong ‘gago’. Wala umano siya intensyon na manakit at hindi niya daw alam na mali pala ang kaniyang dala na passes.

Kaso laban sa tsino

Sa ngayuon ay nakikipag ugnayan na ang CAloocan PNP sa Bureau of Immigratiion para matukpy kung may kaukulang dokumento sa pananatili sa Pilipinas ang naarestong Chinese National. Mahaharap ang naarestong tsino sa reklamong resistance and disobedience to a person in authority at unjust vixation.Titiketan din ito dahil sa pag labag sa ECQ guielines.

Isang Tsino Inaresto Matapos Tawaging 'Gago' Ang Bantay Sa Checkpoint 5
Photo credits: GMA News

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP Caloocan ang nasabing Chinese National st naghihintay na lamang sa feedack mula sa imigration.

Narito ang aktual na video.

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: