Press "Enter" to skip to content

Isang Vlogger, Makakasuhan Matapos Manghikayat Na Lumabas Ng Bahay Kahit Naka Quarantine

Cagayan de Oro City – Isang vlogger ang nasermonan ng mga awtoridad dahil nagpalabas ito ng isang video na nanghihikayat sa mga tao na lumabas sa kanilang mga bahay. Ito ay sa kabila ng pagpapatupad ng quarantine at mahigpit na utos na manatili sa mga bahay.

Ang video

Nag-publish si Antonio Bonitos ng isang video Huwebes, April 16 na nagpapakita na siya ay nasa labas. Sa video na iyon, siya ay nasa isang dike sa ilog ng Macabalan kung saan naliligo ang mga bata tuwing tag-araw.

Isang Vlogger, Makakasuhan Matapos Manghikayat Na Lumabas Ng Bahay Kahit Naka Quarantine 2

Sa video na may habang 2:35 na agad namang binura, sinabi nya na dahil tag-araw naman, dapat umanong lumabas at lumangoy sa ilog ang mga tao. Tinawag umano niyang “walanghiya” ang lockdown.

Pinuntahan ng RCB

Sumugod sa kanyang bahay ang taga-City Regulatory Compliance Board (RCB) kasama na pati mga pulis para hingan siya ng paliwanag. Sabi ng opisyal ng RCB na si Antonio Resma, “Iyan ay non-cooperation sa Republic Act 11332 dahil nasa panahon tayo ngayon ng public emergency health crisis.”

Isang Vlogger, Makakasuhan Matapos Manghikayat Na Lumabas Ng Bahay Kahit Naka Quarantine 3

Kinausap at pinaliwanagan siya ng mga awtoridad tungkol sa kahalagahan ng pananatili sa loob ng bahay ngayong may krisis tayo dala ng COVID-19. Dagdag na pahayag ng opisyal ng RCB na hindi dapat minamaliit ang mga bagay na ito dahil buhay ang nakasalalay.

Nag-sorry

Agad naman humingi ng paumanhin ang vlogger at sinabi na kailangang manatili sa bahay ang mga tao sa panahon ngayon. Tinaggap naman ng RCB ang kanyang paghingi ng paumanhin pero sasampahan pa rin sya ng kaso.

Isang Vlogger, Makakasuhan Matapos Manghikayat Na Lumabas Ng Bahay Kahit Naka Quarantine 4

“Nasa public health crisis tayo ngayon. Kita niyo naman, sa video niya, siya na mismo nagsabi na bored siya kaya siya lumabas labas. Nasa batas na ang mga essential workers lang ang lalabas. Non-essential ‘yung ginagawa niya tapos nang-hikayat pa siya sa ibang tao na lumabas.”

Ang dagdag na pahayag ni Resma.

Source: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: