Press "Enter" to skip to content

Isolation Facility Na Gawa Sa Kawayan, Alay Ng Isang Brgy. Ng Masbate!

Isang barangay sa lungsod ng Masbate ang nagtulong-tulong na gumawa ng pasilidad bilang alay para sa kanilang mga kababayan na nais ng makauwi sa kanilang bayan. Ang pasilidad ay gawa mula sa lite materials na isang kawayan mula sa kabukiran.

Ang barangay

July, 14 nang maipalabas sa stand for truth ang nasabing kwento ng barangay Mababangbaybay sa Claveria, Masbate kung saan nagtulong tulong ang ilang mga residente nito upang makagawa ng isolation facility para sa kanilang barangay. Ang ginawang pasilidad na ito ng mga residente ay tulong upang mayroon magamit ang ilan sa kanilang mga kababayan sa pag-isolate pagbalik sa kanilang lugar, upang maiwasan din ang maaring pagkalat pa ng nakakamatay na coronavirus.

Ang Barangay- Isolation
Photo Credit: Youtube

Ang pasilidad ay gawa sa mga kawayan na nahulog mula sa mga puno at ang pasilidad na nagawa nito ay may dalawang palapag at walong silid.

Pangunguna ng kapitan

Ayon sa mismong kapitan ng kanilang barangay nang sinabi diumano nito sa kaniyang nasasakupan na magtatayo ito ng quarantine facility sa kanilang barangay agad naman sumang-ayon ang mga residente. Matapos ang kanilang pagpupulong ay agad nilang sinimulan ang paggawa ng nasabing pasilidad.

Pangunguna ng Kapitan- Isolation
Photo Credit: Youtube

Aniya ng kapitan,

“Noong nagpulong kami ng mga barangay official ay sabi ko magtatayo tayo ng quarantine facility gawa po ng mga na-lockdown na mga kabarangay namin sa Maynila. Kaya para iwas tayo sa kaso, magtatayo tayo immediately talaga,”

Layunin

Samantala, sinabi pa ng kapitan na ang proyektong ito na kanilang pagtutulong-tulungan ay hindi lamang para sa kanila kundi para sa lahat. Kaya naman karamihan sa mga gumawa ng nasabing pasilidad gaya ng karpentero ay pawang mga boluntaryong mga residente. Dahil dito ay napadali diumano ang kanilang paggawa at natapos diumano sa halos wala pang 2 linggo.

Layunin- Isolation
Photo Credit: Youtube

Ang pasilidad na ito ay alay din ng nasabing barangay para sa mga kababayan nilang locally stranded individuals (LSI) na stranded sa Maynila at nais ng makauwi sa kanilang bayan.

Gayunpaman, ang barangay na ito ay hindi pa nakapagtala ng anumang bilang sa kaso ng COVID-19 kahit pa may 21 bilang na ang naitala sa probinsyang ito ng Masbate.

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin ang PinasBalita.

Source: Stand For Truth

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: