Press "Enter" to skip to content

Ito Na, Pasig’s New Earth-Friendly Ride Para Sa Mga Hospital Frontliners

Sa pagtanggi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa kahilingan ng Pasig City mayor na si Vico Sotto, na pahintulutan ang serbisyo ng tricycle sa paligid ng siyudad. Ang naging dahilan upang mabilis makapag-isip ng mas mabisang paraan ang nasabing alkalde.

Ito Na, Pasig’s New Earth-Friendly Ride Para Sa Mga Hospital Frontliners 2
Source: rappler.com

Ang paraang ito ay ang pagtatalaga ng mga shuttle na zero-emissions upang mag-alay ng libreng sakay sa mga health frontliners at mga tauhan ng lungsod.

COMET

Ang lungsod, sa pakikipagtulungan sa Global Electric Transport (GET), ay magkakaloob ng dalawang mga de-kuryenteng sasakyan na tinatawag na COMET. Ito ay papatakbuhin mula ika-7 ng umaga hanggang ika-10 ng umaga at sa ika- 5 ng hapon hanggang ika-9 ng hapon, na nakatalaga sa kani-kaniyang ruta.

Ito Na, Pasig’s New Earth-Friendly Ride Para Sa Mga Hospital Frontliners 3
Source: kami.com.ph

Ang Byahe Ni COMET

Ang mga COMET ay babayahe mula sa Pasig City Hall patungong Sheridan, at dadaan sa Rizal Medical Center pagkatapos ay dadaan pabalik sa Pasig City proper, main city hall, at Pinagbuhatan.

Ito Na, Pasig’s New Earth-Friendly Ride Para Sa Mga Hospital Frontliners 4
Source: Pinoy Trend

Kapakinabangan

Ayon kay Kylie Tinga, isa sa mga sustainable transport specialist ng GET, Ang e-vehicle na ito ay talagang kapaki-pakinabang para sa kapaligiran. Dahil bilang isang zero-emission na sasakyan, hindi ito naglalabas ng alinman sa mga nakakapinsalang pollutants o greenhouse gas na isang karaniwang diesel engine na katulad ng carbon dioxide, carbon monoxide, o particulate matter.

Ito Na, Pasig’s New Earth-Friendly Ride Para Sa Mga Hospital Frontliners 5
Source: When in Manila

Ang pribadong kumpanyang ito ay nag-alok ng isang kumpletong service team na may kasama ng mga driver, nang walang bayad, sa Lungsod Pasig.

Pag-iingat

Dahil sa pagsunod sa social-distancing protocol ng lungsod dahil sa quarantine, ang bilang ng bawat sasakay o pasahero sa bawat pag byahe ay limitado lamang. Hangang 10 pasahero lamang ang maaaring sumakay sa anumang oras o emergency. Sa normal na oras ng byahe naman ay mayroon itong maximum na kapasidad ng 20 nakaupo at 10 nakatayo na mga pasahero.

Ito Na, Pasig’s New Earth-Friendly Ride Para Sa Mga Hospital Frontliners 6
Source: carmudi.com.ph

Pagsisiguro

Ipinaliwanag ni Tinga na ang bawat shuttle ay well disinfected at properly sanitized, matapos ang bawat pag byahe. Ang sasakyan ay kailangang malinis ayon sa mga pamantayan ng gobyerno ng Pasig City. Hindi rin ito pinapayagan na umalis hangganghindi pa ito na sanitized. Ang driver at conductor ng bawat biyahe ay kinakailangang panatilihin ang maingat at mahigpit na pag ta-tally ng bilang ng mga tao na nakasakay sa anumang oras. At ang mga upuan ay minarkahan upang ipahiwatig na nananatili ang naaangkop na distansya ng mga pasahero sa loob ng naturang sasakyan.

Samantala, ang Lungsod ng Maynila ay nagtalaga rin ng isang network ng 189 e-trike para sa mga medikal na tauhan ng naturang lungsod.

Source: Top Gear Philippines

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: