Press "Enter" to skip to content

‘It’s A Prank!’: Idol Raffy Tulfo, Pinaiyak Ang Aktres At Youtuber Na Si Ivana Alawi

Trending ngayon ang ginawang pagpa-prank ni Idol Raffy Tulfo sa kaniyang segment na “Raffy Tulfo in Action” sa isang aktres at youtuber na si Ivana Alawi. Napaiyak muna ni idol ang aktress bago niya sinabi na prank lamang ang lahat ng ito.

Na-prank

Ang inakalang guesting ni Ivana ay nauwi sa isang prank na kunwari ay mayroong reklamo sakaniya tungkol sa mga relief goods na kaniyang ipinamahagi sa ilang lugar sa Metro Manila. Sa unang bahagi ng video, makikita ang pag-papraktis ni idol kasama ang kaniyang mga kasabwat. Tinuruan pa niya ang kunwaring nagrereklamo na si Loida nang mga dapat nitong sabihin upang maging mas kapani-paniwala ang kaniyang reklamo.

‘It’s A Prank!’: Idol Raffy Tulfo, Pinaiyak Ang Aktres At Youtuber Na Si Ivana Alawi 2

Ang kunwaring reklamo ay tungkol sa pananakit ng tiyan niya matapos na makain ang bigas at de latang ipinamahagi ng aktres.

Gulat siya

Gulat at takang-taka naman ang aktres sa mga pang-yayari. Sinabi nito kay Idol na hindi naman raw siya kumuha ng mga idodonate na relief goods na basta-basta lang. Bukod sa complainant at mga kasamahan ni idol, mayroon din silang kasabwat na abogado na mas lalo pang nakatulong upang mas maging makatotohanan ang prank.

‘It’s A Prank!’: Idol Raffy Tulfo, Pinaiyak Ang Aktres At Youtuber Na Si Ivana Alawi 3

Idiniin ng abogado na kailangan umanong suportahan ang reklamo ni Loida, dahil kung hindi ay madadamay umano sila.

P200k

Nagsimula ngang mas maging matagumpay ang pag-prank nila nang sinabi ni Loida na mang-hihingi siya ng P200k na bayad dahil sa nangyari at kung hindi naman ay mag-dedemanda nalang raw siya. Nang tanungin ni idol si Loida kung bakit napaka-laking halaga ang kanyang hinihingi, sinabi niyang ipapagawa umano niya ng bahay at kung may matira ay ipambibili niya ng motor.

Umiyak Na

Nang binanggit na ni Loida na bukod sakaniya ay mayroon pang ilan na magrereklamo laban sakaniya na naka-kain din ng relief goods, nagsimula nang maiyak ang aktres. Sinabi ng aktres na masama lang ang kaniyang loob na tila ginagawa ng negosyo ang pagrereklamo.

Natapos naman ang lahat nang tanungin ni idol si Loida kung ano ba talaga ang gusto niyang mang-yari, saka nito sinabi na magpapaturo nalang raw siya na maglaba at mag car wash ng sexy at saka sinabi prank lang ang lahat.

Aliw

Tuwang tuwa naman ang mga netizen sa pang-paprank ni idol Raffy kay Ivana at ang video na ito ay umani ng mahigit 3.5 Million views sa loob lamang ng isang araw.

Panuorin dito ang video:

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: