Press "Enter" to skip to content

It’s A Prank! Isang Restaurant, Nabudol Ng Isang Vlogger Na, Scammer Pa!

Viral ngayon ang diumano pangpa-prank ng isang blogger sa isang Filipino restaurant. Dala ng pinapairal na enhanced community quarantine ay mahigpit ang batas sa paglabas sa publiko. Bunsod nito ay umaasa ang marami sa atin sa mga food deliveries para makabili ng ating paboritong meal sa mga restaurant.

Prank

Inilahad ng Facebook page ng Chacha Special Binalot Sa Dahon kung paano ito prinang ng isang Facebook account na nagngangalang Reynan Ganete. Panimula nito,
“Please share! Nadale po kami ng pancit canton!
Para wala na po mabiktima tong tao na to!”

Pahabol

Sa post ng biktimang restawran ay kalakip ang usapan nila ng lalaking diumano ay Vlogger. Pagkwento ng Facebook page, pasara na sila nang magmessage ito ngunit pinaunlakan pa din nila bunsod ng kababang loob ng kanilang driver. Aniya ay ihahatid nito ang order kahit pa maulan nang araw na iyon.

It's A Prank! Isang Restaurant, Nabudol Ng Isang Vlogger Na, Scammer Pa! 2

“Sa lahat ng nangyayari satin may ganito pa palang tao…pa close na kami hinabol pa namin yung order nia kasi baka need nila talaga ng dinner sabi na din ng rider namin sayang daw yan at i last order na namin kahit medyo maambon hahatid daw nia”

Cancel nalang

Sa mga larawan ay pinakita ang resibo ng netizen na nagkakahalaga ng 1,011 pesos. Nang ihahatid na, sinabi ng umorder na icancel nalang ito at pancit canton na lamang ang kakainin nila.

It's A Prank! Isang Restaurant, Nabudol Ng Isang Vlogger Na, Scammer Pa! 3

Nang umalma at hindi pumayag ang restawran na icancel ang order dahil naproseso na ito, sinabi ni Ganete na ayaw na umano ng mga pinsan nya ng pansit na inorder nila. Bagaman on the way na ang driver para magdeliver, giniit ng customer na icancel na lamang ito.

Shoutout

Hindi pa riyan natatapos ang dagok na ginawa ng customer sa driver, nagbigay pa ito ng maling address. Reply ng customer sa inis nang restaurant staff,

It's A Prank! Isang Restaurant, Nabudol Ng Isang Vlogger Na, Scammer Pa! 4

“It’s a prank! Para po sa blog namin. Thank u fot being a sport.”

Aniya ng restaurant staff,

“yung rider po naghahanap buhay”

Sambit ng customer,

“kami din.” Nangako pa ito na isho-shout out nito ang pangalan ng establisyementong prinank nya sa diumano kanilang vlog.

Walang pusong scammer

Nagdulot ito ng inis at panghihinayang dahil sa paghabol sa order ng customer pati na din ang pagdeliver nito.

It's A Prank! Isang Restaurant, Nabudol Ng Isang Vlogger Na, Scammer Pa! 5

“Hindi na naawa sa mga nag hahanap buhay kahit sa rider na gustong ihatid ang pagkain nia!
Si lord na lang bahala sayo!”

Lungkot at panghihinayang din ang ipinabatid ng mga netizen ukol sa nangyaring pangpa-prank. Anila ay hindi nakakatuwa ang pang-aabala ni Ganete. Hangad ng mga ito na maturuan ng leksyon ang taong tunay na nasa likod ng panloloko.

Source: Chacha Special Binalot Sa Dahon

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: