Press "Enter" to skip to content

‘It’s not over’: Kaso Ng COVID-19 Tumaas Sa Ilang Mga Bansa Matapos Pakawalan Ang Lockdown-WHO

Matapos paluwagin ang mga regulasyon ukol sa sakit na Coronavirus Disease 2019 sa ilang mga bansa, umakyat muli ang bilang ng mga kaso ng sakit dito, ito ang ulat mula sa World Heath Organization (WHO).

Pagbitiw sa lockdown, pagtaas ng kaso

Sinabi ng World Health Organization (WHO) noong Biyernes, ang ilang mga bansa ay nakakita ng pagtaas muli ng mga kaso ng COVID-19 dahil sa pagbitiw sa lockdown at bahagyang pagpapaluwag ng mga kautusan ukol sa paglaban sa sakit.

'It's not over': Kaso Ng COVID-19 Tumaas Sa Ilang Mga Bansa Matapos Pakawalan Ang Lockdown-WHO 2
Source: CGTN News

Dahil dito, paalala ng WHO na dapat pa rin daw na protektahan ng bawat isa ang kani-kanilang mga sarili mula sa sakit habang patuloy ang pamahalaan na magsagawa ng testing.

Sinabi ng tagapagsalita ng WHO na si Margaret Harris, ang sentro ng pandemya ay kasalukuyang nasa mga bansa sa Gitna, Timog at Hilagang Amerika, partikular na ang Estados Unidos.

Hindi pa tapos hanggang sa tuluyan itong mawala

Sinabi ni Harris sa isang UN briefing sa Geneva,

“On upticks (in cases), yes we have seen in countries around the world – I’m not talking specifically about Europe – when the lockdowns ease, when the social distancing measures ease, people sometimes interpret this as ‘OK, it’s over’.”

'It's not over': Kaso Ng COVID-19 Tumaas Sa Ilang Mga Bansa Matapos Pakawalan Ang Lockdown-WHO 3
Source: Yeni Safak

Kanyang paalala,

“It’s not over. It’s not over until there is no virus anywhere in the world.”

Matinding pag-iingat parin ang kailangan

Dagdag paalala pa ni Harris sa mga demonstrasyon ng US mula noong pagpatay kay George Floyd 10 araw na ang nakalipas, dapat magsagawa ng ibayong pag-ingat ang mga nagpoprotesta rito.

Aniya,

“We have certainly seen a lot of passion this week, we’ve seen people who have felt the need to be out and to express their feelings”

'It's not over': Kaso Ng COVID-19 Tumaas Sa Ilang Mga Bansa Matapos Pakawalan Ang Lockdown-WHO 4
Source: The New York Times

Dagdag pa niya rito,

“We ask them to remember still protect yourself and others.”

Upang maiwasan ang impeksyon, pinayuhan ng WHO ang mga tao na mapanatili ang social distancing ng hindi bababa sa 1 metro o 3 talampakan na layo, madalas na paghugas ng mga kamay at pagiwas na mahawakan ang bibig, ilong at mata.

Source: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: