Press "Enter" to skip to content

Iyak Si Colonel, Rider Na Nagovertake Sa Big Bike Ni Colonel Binantaan Niyang Babarilin Niya

Isang pet shop owner ang naglabas ng hinaing sa Facebook. Ayon sakanya, ikalawang beses na may nangyaring incidente sakanyang rider sa loob ng isang linggo.

Na-offend ang ego?

Ayon sa post ni Ray Caguin, nitong Biyernes lang tumawag sakanya ang isang rider niya na kasalukuyang bumabaybay sa Jacinto Tahada Street sa Makati.

Iyak Si Colonel, Rider Na Nagovertake Sa Big Bike Ni Colonel Binantaan Niyang Babarilin Niya 2

Tumawag at nagsimulang mag Facebook live ang rider matapos siyang bantaan ng isang Colonel na nagmamaneho ng isang big bike.

Ang pangyayari

Sa kwento ni Ray, sakto lang ang pagpapatakbo ng rider niya kasabay ang big bike ni Colonel. Subalit bigla nalang nagbagal ang big bike sa harapan niya.

Dahil may bitbit siyang mabigat na pet food, kinakailangan niya na mag overtake dahil pag hindi ay mawawalan siya ng balanse. Kaya naman inovertake-an niya ang big bike ngunit bigla nalang siya nitong binantaan matapos nila umabot sa stop sign.

Bigla nalang daw tumigil ang big bike rider at nagpakilalang isang Police Colonel. Sabay sabi pa nito:

“Patayin mo makina mo, babarilin kita. Ang bilis mo tumakbo, ah?”

Inutusan naman nito ang mga police sa checkpoint na kuhaan ng lisensya ang rider at kunin ang mga dokumento nito.

Walang ticket

Dito na sa puntong ito tumawag si rider kay Ray upang ikwento ang nangyari. Walang ibang naitulong si Ray kung hindi pagsabihan ang rider niya na maging kalmado at respetuhin ang mga opisyales na nasa checkpoint.

Sa isang update, ikinwento din ni Ray na hindi na tinikitan ng mga opisyal ang rider dahil umiiyak na ito at nanginginig matapos ng pagbabanta na babarilin siya.

Source: Ray Caguin

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: