Press "Enter" to skip to content

Jeep, Inararo Ang Mga Patawid Na Estudyante sa Makati, 1 Sawi, 7 Sugatan

Miyerkules ng gabi nang maganap ang isang trahedya nang araruhin ng isang jeep ang pulutong ng mga estudyante sa Barangay Poblacion, Makati.

Kaskaserong driver

Sa isang viral video ay makikita ang mabilis na pagharurot ng jeep na syang umararo sa mga estudyanteng kasalukuyang tumatawid sa pedestrian lane. Sa sunod na video mula sa kabilang kanto ay makikita ang muling pagragasa nito sa maraming estudyante hanggang sa tumigil na ito bigla.

Jeep, Inararo Ang Mga Patawid Na Estudyante sa Makati, 1 Sawi, 7 Sugatan 1

Mga biktima

Ayon sa mga naunang balita ay isang grade 8 student ang nasawi at ang iba pang pitong mga estudyante ay sugatan. Ang mga estudyante ay mga mag-aaral ng Pio Del Pilar National High School.

Ang batang nasawi ay kinilalang si Jules Villapando, 14-taong gulang.

Sa isang pahayag na inilabas ni Makati Mayor Abby Binay, hinimok nito ang mga Makatizens na ipagdasal ang mga biktima ng trahedyang ito para sa maagang paggaling at paghilom mula sa trauma na inabot ng mga bata rito.

Gayundin, ipinaabot nito ang kanyang pakikiramay sa pamilya ng nasawing estudyante.

Batid nito ay panalangin para sa mga biktima at kanilang pamilya na malampasan ang krisis na pinagdadanan ng mga ito.

Mabilis na pagresponde

Dagdag pa sa ibinalita ng alkalde ng Makati, nagtalaga ito ng quick response teams na nakatutok sa mga biktimang dinala sa Ospital Ng Makati at Makati Medical Center.

Ito ay upang mabilis na makapagbigay ng tulong sa mga kakailanganin ng mga ito.

Imbestigasyon

Sa ngayon ay isinasagawa ng Makati police ang masusing imbestigasyon na kung saan ay ipinag-utos na isailalim sa drug test ang nasabing driver na ngayon ay nasa kanilang kustodiya.

Agad din na nag-utos ito na ipahanap ang operator ng jeep at irekomenda sa LTFRB na tanggalan ito ng prangkisa.

Galit na netizens

Galit ang namuno sa mga netizen na syang naniniwala na kasalanan umano ito ng jeepney driver. Ayon sa mga ito ay sadyang kaskasero umano ang driver at pinabulaanan ang diumano pagkawala ng brake nito.

Sa ngayon ay wala pang kumpirmadong balita ukol sa pagkakakilanlan ng driver at kung ano na ang naging resulta ng imbestigasyon sa tunay na nangyari.

Panoorin ang mga video dito:

https://www.facebook.com/earlobringas/videos/3978636335483444/
https://www.facebook.com/earlobringas/videos/3978638618816549/

Source: Video 1, Video 2

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: