Press "Enter" to skip to content

Jeepney Driver Ng Baguio City, May Paraan Para Ma-Achieve Ang Social Distancing Ng Mga Pasahero

Pinapurihan ng netizens ang isang jeepney driver mula sa Baguio City dahil sa naisip niyang paraan upang maipatupad ang social distancing sa kanyang pasahero.

Balik pasada

Sa pagpapatuloy ng Pilipinas sa laban nito kontra sa coronavirus, ang operasyon ng lahat ng pampublikong transportasyon ay sinuspinde. Gayunpaman, ang ibang lugar ay nagpakita ng progress o pagbaba ng kaso ng covid-19. Dahil dito, pinayagan na silang magbalik-operasyon.

Jeepney Driver Ng Baguio City, May Paraan Para Ma-Achieve Ang Social Distancing Ng Mga Pasahero 2
Credits: Fe Carina Camaeg

Karaniwan, ang mga jeepney ay pinupuno ng pasahero bago umalis ng terminal. Ngunit dahil sa coronavirus pandemic, kinailangang ipatupad ng pamahalaan ang ilang pagbabago. Mahigpit na ipinapatupad sa Baguio City ang 11 na pasahero lang kada jeep o kalahati lamang upang masunod pa rin ang social distancing ngayong may banta ng COVID-19 sa bansa.

Ang upgraded jeep

Sa pagbabalik pasada ng ilang tsuper sa Baguio City, naging viral ang isang jeepney dahil sa kakaibang “upgrade” nito. Agaw-pansin ang ginawa ng driver sa kanyang jeep bilang pagsunod sa social distancing. Naglagay siya ng plastic sa pagitan ng mga pasahero para hindi magtabi-tabi ang mga ito.

Kuwento ng isa sa mga nagdisenyo at naglagay ng plastic partition na si Ariel Amino, naisipan nila ang ganitong design upang madali rin niyang malaman kung puno na ang jeep sa 11 katao. Ito ay bilang pagsunod sa patakaran na kalahati lamang sa kapasidad ng sasakyan ang maaaring isakay.

Magandang Ideya

Ayon kay Amino, ang anak niya ang nakaisip ng naturang ideya. Aniya, “Sabi no’ng panganay ko, ‘Lagyan ninyo ng plastic.’ Sabi naman no’ng pangalawa, ‘Ako na lang bahala.’ Pinabili ko siya ng plastic… saka ‘yung straw. ‘Yun lang para simple.”

Jeepney Driver Ng Baguio City, May Paraan Para Ma-Achieve Ang Social Distancing Ng Mga Pasahero 3
Credits: GMA News

Naglagay din siya ng bote ng alkohol sa entrada ng jeep para magamit ng mga pasahero bago sumakay.

Natutuwang pasahero

Kwento ni Fe Carina Camaeg sa kanyang post, first time umano niyang sumakay sa jeep mula ng magkaroon ng Enhanced Community Quarantine sa Luzon at nagalingan siya sa hitsura ng nasabing jeep. Dagdag pa niya, 10 pasahero lang ang laman ng jeep na iyan na kanyang sinakyan.

Jeepney Driver Ng Baguio City, May Paraan Para Ma-Achieve Ang Social Distancing Ng Mga Pasahero 4
Credits: Fe Carina Camaeg

Ayon pa kay Fe, “It gave me a sense of comfort and safety. It made me appreciate the effort of the jeepney owner and the driver in making sure their passengers are kept secure.”

Natuwa rin po ba kayo sa ideya na ito? Hindi ba’t naging malikhain ang jeepney driver sa kanyang ginawa? Narito ang video ng panayam sa naturang driver.

Credits: GMA News

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: