Press "Enter" to skip to content

Jeepney Drivers, Humihingi Ng Tulong Dahil ‘Di Na Sila Makapasada

Isa sa mga direktang apektado ng pinagdadaanan natin na pandemic ay ang libo-libong jeepney drivers sa bansa. Higit isambuwan na ang nakalilipas nang itigil ang pasada sa buong Luzon bunsod ng covid-19.

Hinaing

Hinaing ng mga transport leaders sa gobyerno ay bilisan ang pagbibigay ng ayuda na para sa mga jeepney drivers. Ayon sa panayam ng DZMM kay Obet Martin, presidente ng Pasang Masda,

Jeepney Drivers, Humihingi Ng Tulong Dahil 'Di Na Sila Makapasada 2

“Isang buwan at kalahati na po kaming walang kita at alam niyo naman kaming mga jeepney driver, isang kahig, isang tuka,”

Butaw

Dagdag pa nito ay nauubusan na ng panggastos ang mga jeepney drivers na kung saan ay nagalas na rin ang perang laan sa kanilang “butaw system.”

Jeepney Drivers, Humihingi Ng Tulong Dahil 'Di Na Sila Makapasada 3

“Ito po ay kanila nang ginalaw para masuportahan ang pangangailangan ng ating mga tsuper ngunit kinapos pa rin po ‘yan,”

Ayon naman sa national president ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines na si Zeny Maranan ay makailang ulit na silang nagsumite ng listahan ng kanilang mga myembro sa ibat ibang ahensya ng pamahalaan upang makahingi ng tulong pinansyal.

Jeepney Drivers, Humihingi Ng Tulong Dahil 'Di Na Sila Makapasada 4

“Awa ng Diyos, puro na lang listahan ang hiningi nila sa’min eh wala namang nakarating (na ayuda),”

Dagdag pa nito,

“Hanggang sa ngayon, tumatawag ako, nakikipag-ugnayan sa LTFRB at sabi nga nila sinasala pa ring mabuti. Sabi ko, sobra naman sa pagsala na ‘yan,”

Ayuda para sa dyipni drivers

Hangad ng marami na sana ay mahatiran din ng tulong ang mga taong namumuhay sa pamamasada. Marami sa mga ito ay may mga pamilyang binubuhay ngunit dahil sa pandemic ay nawalan ng pagkakakitaan. Liban pa diyan ay ang mga magigiting na construction workers na no work, no pay at hanggang ngayon ay nagtitiis mamaluktot dahil sa sitwasyon. Sa kasalukuyan ay marami pa rin ang nagsasabi na sila ay hindi pa nakakatanggap ng tulong o ayuda mula sa gobyerno.

Source: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: