Press "Enter" to skip to content

Jinkee Pacquiao, Trending Sa Kanyang Vlog, Magarbong Private Resort Ipinasilip Sa Social Media

Patuloy si Jinkee Pacquiao sa pagbavlog at ipinakita ang private mansion at beach resort ng pamilya sa Sarangani.

Pinagbigyan ang hiling

Ipinagbunyi ng mga supporters ni Jinkee mula sa kanyang Youtube Channel at Social Media followers dahil pinagbigyan sila sa asawa ni Boxer Champ-turned politician, Sen. Manny Pacquiao, na buksan at ipasilip sa kanila ang Mansion at Private resort ng pamilya sa Sarangani.

Jinkee Pacquiao, Trending Sa Kanyang Vlog, Magarbong Private Resort Ipinasilip Sa Social Media 2
Photo Credits: Metro Styles

Nasa mahigit 200,000 ang mga subscribers sa Youtube Channel at 2.1 milyong followers naman sa Instagram account ang meron si Jinkee. At patuloy na pinapanood ng mga fans ni Jinkee, at ngayon ay lagpas na sa 1 milyon views ang vlog na ito.

Malaparaisong resort

Matatagpuan sa Glan, Sarangani, ang private resort ng pamilya. At itinayo 7 taon na ang nakalipas, ayon kay Jinkee. At para sa kanya tinatawag niyang “Happy Place” ang resort. Nagmistulang paraiso ang lugar sa magarbo nitong tila Maldives inspired ang desinyo.

Jinkee Pacquiao, Trending Sa Kanyang Vlog, Magarbong Private Resort Ipinasilip Sa Social Media 3
Photo Credits: Philnews

Maliban sa main resthouse, merong 2 villas at 14 na kwarto ang resort. At ayon kay Jinkee, sapat ang kalakihan ng resort para ma accomodate ang pamilya sa kanyang side at mga family members din ng mga Pacquiao, tuwing may gaganapin na okasyon sa resort.

Hindi nagpatinag, hindi nagyayabang

Sa vlog ni Jinkee, sinabi niya na ipinasilip niya ang private resort ng pamilya dahil hiling ito ng mga followers niya. At hindi siya nagmamayabang.

Jinkee Pacquiao, Trending Sa Kanyang Vlog, Magarbong Private Resort Ipinasilip Sa Social Media 4
Photo Credits: Goodnews Network

Bungad niya sa kanyang vlog,

“Ngayon, nandito tayo sa aming private resort. Ipapakita ko sa inyo yung first private resort namin ng buong family. Sa lahat ng nagtatanong, ito na yun. I’m not bragging for anything, na meron kaming ganito. Request niyo naman ito so itu-tour ko kayo dito “

Sinagot noon ng kampo ni Jinkee ang pumuna sa kanya na insesnsitive siya sa pagpost sa social media, sa kanilang mga mamahaling gamit. Sinabi sa kampo ni Jinkee na pinag hirapan ng pamilya Pacquiao ang anumang ini-enjoy nila ngayon sa buhay at wala itong bahid ng korupsion. Dahil pag boboxing ni Sen. Manny ang puhunan nito.

Dumagdag ang representative sa kampo ni Jinkee, na maraming natulungan ang pamilyang Pacquaio at hindi lang nila ito pinapakita sa media.

Narito ang kabuuang video,

Source: PEP Ph

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: