Press "Enter" to skip to content

JM De Guzman, Namigay Ng Tulong Pinansyal Sa Mga PWD’s

Navotas City, Philippines – Nitong nakaraang biyernes ay ginulat ni JM De Guzman ang kaniyang mga fans matapos siyang mamigay ng relief goods. Sa tulong ng Philippine Airforce (PAF) kaniyang ipanaabot sa mga person’s with disabilities (PWD) ang kaniyang simpleng pamamaraan ng pag tulong para maibsan ang kinakaharap na problema ng mga ito.

Tulong sa PWD

Matatandaan na si De Guzman ay naging bahagi at nag training bilang isang reservist sa ilalim ng Philippine Air Force (PAF) nito lamang Marso kasama ang kapamilya aktor na si Kiko Estrada.

JM De Guzman, Namigay Ng Tulong Pinansyal Sa Mga PWD's 2

Kasabay ng ibang mga opisyales ng PAF pati na rin ng mga miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ay ipanaabot nila ang mga ayuda sa mahigit 150 person’s with disabilities (PWD) sa Navotas City.

Pasasalamat

Sa kaniyang post sa Instagram account, lubos na nagpa Salamat ang aktor sa matagumpay na pamimigay ng nasabing relief goods. Ito ang kaniyang ika-tatlong beses ng nagpa abot ng tulong sa mga PWD’s matapos na pumutok ang pandemya sa bansa.

JM De Guzman, Namigay Ng Tulong Pinansyal Sa Mga PWD's 3

Kasabay ng kaniyang kapatid na si Mathew, at iba pang piling fans naisakatuparan ang pamimigay ng tulong sa mga taga Navotas City.

JM De Guzman, Namigay Ng Tulong Pinansyal Sa Mga PWD's 4

Pinasalamatan din niya sina Lt. Col Hermie Calubiran, 1st Lt Shahani Ballaras, Asec Kim De Leon, Cong John Ray Tiangco at ang Boy Scouts of the Philippines.

Papuri at parangal

Matapos ang nangyari, umani naman ng likes ang kaniyang post sa ginawang tulong ni De Guzman. Samantala, ginawaran sila ng BSP Navotas Council ng parangal pati ang mga tumulong sa kaniya.

JM De Guzman, Namigay Ng Tulong Pinansyal Sa Mga PWD's 5

Matatandaan na bukod ki De Guzman ay pumasok din sa paging reservist ang aktres na si Arci Muñoz, Matteo Guidicelli na naging enlisted naman bilang isang Army Reservist noong Abril 2019 matapos niyang tapusin ang kurso sa Scout Ranger Training.

Source: Inquirer.net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: