Browse By

John Lloyd, Kapuso Na!

Opisyal nang Kapuso si John Lloyd Cruz.

Sa kanyang pagbabalik-telebisyon matapos ang apat na taong hiatus, pumirma ng kontrata sa GMA -7 ang multi-awarded actor noong November 9 na ginanap sa Edsa Shangrila Hotel.

Photo Credits: GMA Network FB Page

Contract signing highlights

Kasama sa nasabing contract signing sina GMA Films President Atty Annette Gozon-Valdez, GMA Network First Vice President for Program Management Joey Abacan at Director & Line Producer ng Wacky Solutions Inc. Edgar Mortiz.

Present din sa venue ng contract signing upang magbigay suporta ang iba pang executive ng network kabilang si GMA Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable at mga opisyal ng Crown Artist Management, and talent agency na nagmamanage ng career ni John Lloyd, sa pangingina nina CEO Rambo Nuñez Ortega and COO Mikki Gonzalez

Photo Credits: GMA Network FB Page

Nagpadala naman ng video message ang President at CEO ng GMA na si Atty. Felipe Gozon at ang Executive Vice President at CFO ng network na si Felipe Yalong upang i-welcome ang actor sa Kapuso Network.

Kabilang din sa mga Kapuso artists na nagbigay ng mensahe para sa i-welcome ang actor sa GMA-7 sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Alden Richards, at ang bagong lipat din at matagal na naging kapareha ni John Lloyd sa telebisyon at pelikula na si Bea Alonzo.

Sitcom sa GMA-7

Mapapanood si John Lloyd Cruz sa GMA sa sitcom na “Happy Together” na ididirek ni Edgar “Bobot” Mortiz kung saan kasama din ang actor sa creative development team ng show.

Sa kanyang interview na inere sa Chika Minute ng primetime newscast ng GMA-7 na 24-Oras, nagpahayag ng kagalakan ang premyadong aktor na nakahanap ng tahanan ang kanilang show.

“Very excited and very happy na finally nakahanap ng tahanan yung aming binuong programa ni Direk Bobot because for a long time nag-struggle kami finding it a home.”

John Llloyd Cruz, November 9, 2021
Photo Credits: Screengrabbed from gmanetwork.com

Mga nais makatrabaho sa bagong network

Looking forward din ang bankable star na makatrabaho ang mga artista ng Kapuso network.

“Madami, a lot of them nandun sa nagbigay ng mensahe kanina, nagbigay ng kanilang mga pagbati. Some of them, nakatrabaho ko before. And I’m hoping na mabigyan kami ng opportunity na magkasama ulit. I’m really looking forward to working with all of them.”

John Lloyd Cruz, November 2021

Napanood din sa GMA-7 noong nakaraang Hunyo ang unang paglabas sa telebisyon ni John Lloyd Cruz matapos ang apat na taong pamamahinga nang naging special guest siya ni Willie Revillame sa 6.6 Shopee Super Mega Fiesta television special kung saan madamdamin nyang sinabi sa interview na excited na siyang bumalik sa telebisyon.

Sources: inquirer.net , gmanetwork.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.