Press "Enter" to skip to content

Jollibee Foods Corp. -Nagpahayag Ng No Work With Pay Para Sa Kanilang Mga Empleyado

Nagpahayag ang Jollibee Food Corporation (JFC) na magbibigay sila ng isang buwang sahod para sa mga kanilang empleyado na apektado ng enhanced community quarantine. Gayundin, ibibigay na rin ang 13th month pay ng lahat ng manggagawa nila bilang ayuda ngayong panahon ng krisis. 

No work with pay

Sa twitter post ni @tinaarceodumlao,co-founder ng Good News Kapihan and Solidaridad para sa Makabuluhang Balita,  ibinahagi niya ang balitang naglabas ng internal memorandum ang pamunuan ng JFC sa pangunguna ni CEO Ernesto Tanmantiong. Ayon sa memorandum, maglalabas ang kompanya ng isang bilyong piso para sa kanilang manggagawa. 

Jollibee Foods Corp. -Nagpahayag Ng No Work With Pay Para Sa Kanilang Mga Empleyado 2

Ibibigay ang isang buwan na sahod sa lahat ng kanilang empleyado mula rank-and-file pataas. Ang 13th month pay na normal na binibigay tuwing Disyembre ay ibibigay na rin agad bilang dagdag ayuda. Ito ay bilang tugon sa krisis na nararanasan ngayon dahil sa ipinatupad na Enhanced Community Quarantine upang masugpo ang nakamamatay na COVID-19. 

Blessing

Ang petsang sakop ng isang buwang sahod ay mula Marso 15 hanggang Abril 14 kung kailan umiiral ang quarantine. Alam ng pamunuan ang JFC ang problemang dulot ng kawalan ng sahod ng kanilang manggagawa at handa silang tumulong sa abot ng kanilang makakaya. Isa rin itong paraan upang makumbinsi ang mga empleyado na sundin ang pinatutupad na quarantine.

Jollibee Foods Corp. -Nagpahayag Ng No Work With Pay Para Sa Kanilang Mga Empleyado 3

Ipinagbunyi ito ng mga empleyado ng JFC dahil kahit paano ay naibsan ang kanilang pangamba. Labis ding ikinagulat at kinatuwa ng Jollibee Food Corporation-Trade Union Congress of the Philippines (KILUSAN-JFC-TUCP) na binubuo ng mga rank-and-file na empleyado ng JFC ang balita. Anila, ang desisyon ng pamunuan ng JFC ay malaking tulong sa moral ng mga manggagawa.

Very good Jollibee

Ang hakbang na ito ay isa lamang sa tulong na binibigay ng JFC ngayong panahon na krisis. Matatandaang nagbigay din ng nasa 100 milyon halaga ng pagkain ang JFC para sa mga health workers  at on-ground checkpoint personnels na matapang na nagtatrabaho para masugpo ang COVID-19. Ito ay bilang pagsaludo sa kabayanihan ng lahat ng nagtutulong tulong upang malampasan ang takot na dulot ng pandemic na ito.

Jollibee Foods Corp. -Nagpahayag Ng No Work With Pay Para Sa Kanilang Mga Empleyado 4

Sana all

Hiling naman ng mga netizen na sana ay gayahin din ng iba’t-ibang kompanya ang hakbang na ito ng Jollibee upang sa gayon ay magutom ang mga manggawa sa loob ng isang buwang quarantine. 

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: