Press "Enter" to skip to content

Jollibee Foods Corp.- Nag-donate Ng P100-M Halaga ng Pagkain Para Sa Healthcare Workers

Last updated on March 29, 2020

Siguradong magbibigay kasiyahan at pag-asa para sa mga health workers ang pahayag ng Jollibee Foods Corporation. Sa Miyerkules na ito ay magbibigay ng P100 milyong halaga ng mga pagkain mula sa iba’t ibang mga produkto nito para sa mga frontliners. Ito ang mga medical at on-ground checkpoint personnel na nangunguna sa pag-aasikaso at pagsasakripisyo kaugnay ng pagkalat ng sakit na Coronavirus 2019 (COVID-19) sa bansa.

Bida ang Sarap

Ang Filipino-owned global food company ay nagpahayag na, “The frontliners will be receiving food packs from Jollibee, Chowking, Mang Inasal, Red Ribbon, Greenwich, Burger King, Panda Express and PHO24.”

Makikipag-ugnayan ang Jollibee sa mga pribadong grupo at pampublikong ahensya ng Gobyerno para sa isang maayos at epektibong pamamahagi sa mga nasa frontlines.

Jollibee Foods Corp.- Nag-donate Ng P100-M Halaga ng Pagkain Para Sa Healthcare Workers 2

Pagkilala sa kabayanihan

“The Jollibee Group is one with them in this fight and we hope that through our food, we can fuel their heroic efforts,” saad ng Jollibee Foods CEO Ernesto Tanmantiong.

State of Calamity

Ang buong Pilipinas ay inilagay sa ilalim ng state of calamity sa loob ng anim na buwan. Ang kalakhang Southern Luzon ay nasa isang buwang “enhanced community quarantine” sa pagnanais ng pamahalaan na mapigilan ang pagkalat ng Coronavirus 2019 (COVID-19).

Nangangahulugan ito ng mahigpit na pagpapasunod ng pamahalaan ng home quarantine ng mga mamamayan, suspensyon ng trabaho at pagbabawal sa paglabas ng mga pampublikong sasakyan.

Source: ABS-CBN

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: