Browse By

Jopet Sison”Ipaglaban Mo-Co-Host” Pumalit Kay Kabayan Bilang Senador

Si Joseph Peter “Jopet” Sison ang pumalit kay Kabayan Noli De Castro matapos bawiin ang kanyang kandidatura sa pagka senador sa partidong Aksyon Demokratiko.

Ayon sa anunsyo ni Ernest Ramel chairman ng partido Aksyon, ito ang naging desisyon ng buong partido.

Photo Credit: Jopet Sison

Sino si Jopet

Dating Quezon City Councilor at co-host ng palabas na “Ipaglaban Mo” kasama ang kanyang abogadong ama, Jose Sison. Siya ay limamput anim na taong gulang, nakapagtapos ng B.S in Legal Management sa Ateneo de Manila. Nag-aral din siya ng abogasya sa Manuel L. Quezon University.

Katulad ni Kabayan Noli, si Jopet ay nag trabaho sa ABS-CBN bilang executive producer sa programa nila ng kanyang ama.

Hindi na baguhan sa larangan ng politika si Jopet. Noong 2019 siya ay tumakbo bilang vice mayor ng Quezon city sa pamumuno ng partidong PDP-Laban ngunit sa kasawiang palad ay natalo ni Gian Sotto. Noong 1990, naging kasapi sa Liberal Party, at ngayon ay nauugnay sa oposisyon.

Photo Credit: Jopet Sison

Mga dating gawain

Naging assistant general manager sa National Housing Authority (NHA) mula 2001 hanggang 2005, at naging presidente sa National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) mula 2006 hanggang 2012.

Sa Biyernes tutulak sila papuntang Batangas kasama ang aksyon standard-bearer, Manila mayor Isko Moreno at running-mate Dr. Willie Ong para makipagkita sa politiko at mga lokal na lider.

Source: INQUIRER

Leave a Reply

Your email address will not be published.