Press "Enter" to skip to content

J&T Express Perwisyo Sa Online Store

Di maitago ang sama ng loob ng isang negosyante ng isang online store ukol sa abalang idinudulot ng J&T Express sa kanyang negosyo. Siya na mismo ang humihingi ng pasensiya at pag-unawa sa mga suki nito sa tagal ng paghihintay sa kanilang mga inorder.

Hinaing ng RJC Online Store

Inihayag ng isang online store seller ang kanyang lubos na pagkadismaya sa J&T Express na ipinost sa Facebook. Nagpost ang RJC Online Store ukol sa tagal ng pagdedeliver ng order ng dahil sa J&T.

Expect nyo po na may delays ang processing ng j&t. Kahit na on time pa kmi mg encode at mg pick up. Kadalasan po ay delayed po ang scanning nla ng parcels nyo kaya makikita nyo na delayed na xa na process sa tracking reason.

J&T Express Perwisyo Sa Online Store 2
Photo Credit: CNN Philippines

Ayon pa sa RJC ngayon ng pandemya maraming lugar ang may mga naka-quarantine kung saan hirap lalo mapuntahan ng mga delivery service ang bahay ng kustomer at dagdag pa ang kakulangan ng tao ng J&T.

Mula pa rin sa post ni RJC

Kulang po tlga cla ng tao at kadalasan po ay d nakakapasok dahil my mga lugar pa sa maynila na biglaan nla lockdown. Unawain po sana natin ang sitwasyon ngaun. Hindi pa din po madali kumilos sa ngaun at marami pa din ang restrictions.

J&T Express
Photo Credit: INQUIRER.net

Humihingi ng pasensiya ang RJC at nagmungkahi na kausapin ng kanyang mga suki ang kanilang buyer na habaan ang pasensiya para maiwasan ang reklamo. Paalala pa rin ng RJC sa mga suki nito na di sa eroplano ang problema kundi sa J&T.

Ayon pa rin sa post ng RJC

Kailangan natin ngaun ng mahabang pasencya sa pghihintay at kailangan din ninyong kausapin nyo ang mga buyers nyo sa delays pra maiwasan po ang reklamo.

Kung hindi nmn kau mkphihintay, wag nlng kau oorder ulit. Dahil kahit ok na sa bodega sa j&t parin kmi masasabit. At hindi airplane c j&t. Maraming salamat po

SHIPPING DELAYSExpect nyo po na may delays ang processing ng j&t. Kahit na ontime pa kmi mg encode at mg pick up….

Posted by RJC Online Store on Monday, July 20, 2020

J&T Express at mga kaso nito

Nitong Hulyo 20, Lunes nag-anunsiyo si Philippine National Police Chief Archie Gamboa ang ulat na natanggap niya mula sa PNP Criminal Investigation and Detection Group o CIDG ukol sa kasong kinahaharap ng J&T Express.

Lumalabas sa ulat na sinumite kay Gamboa ng PNP CIDG nitong Hulyo 14, na maraming nilabag na batas ang J&T sapat na dahilan upang sampahan ng patong-patong na kaso ito.

Ani ni Gamboa

I receive a report from the CIDG last July 14 na they conducted an investigation. As a matter of fact other than those na naging viral sa video which was also the basis for their investigation.

May mga nafind-out pa including violations of the labor law of which Philippine National Police in coordination with the Department of Labor and Employment is taking cognizance of it.

Sasampahan ng kaso sa paglabag sa 11332 at 7394 o The Consumer Protection Act of the Philippine ang J&T. Nagpatupad din ng closure order sa J&T hub sa Muntinlupa sa kadahilanang nag-ooperate ito ng walang Mayor’s permit.

Ani pa ni Gamboa

True enough we are able to successfully file a separate cases in violation of 11332 and of that 7394 o The Consumer Protection Act of the Philippine. And that further because dito sa nung sa J&T Express have located in barangay Muntinlupa.

They were operating without the necessary Mayor’s permit. Because of that violation there is a closure order

Naglabas naman ang pamunuan ng J&T noong Lunes. Malugod nilang tinatanggap ang closure order at sa imbestigasyon. Dahil dito nalaman nila kung paano pagagandahin ang kanilang serbisyo.

Ayon sa tagapagsalita ng J&T

Meticulous investigation to help us improve our service

We are cooperative with the cease-and-desist order by the City Government of Muntinlupa. We are abiding by the laws and ordinances and we will only operate after receiving the Mayor’s permit for Muntinlupa hub

Sa karagdagang detalye narito ang kumpletong pahayag ni Gamboa

Video Credit: INQURER.net

Source: RJS Online Store

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: