Press "Enter" to skip to content

Ka-Maynilaan, Maaring Isailalim Sa MGCQ At Magkaroon Ng Localized Lockdown

Manila, Philippines – Inihayag ni cabinet Secretary Karlo Nograles na posibleng ipasailalim sa pinakamagaang modified general community quarantine (MGCQ) ang Metro Manila sa Hulyo 16 kung agarang mapapatupad ang localized lockdowns sa ilang bahagi ng Kamaynilaan.

Dalawang opsyon

Binigyang diin ni Nograles na isa ang MGCQ sa dalawang iminumungkahi ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) kay Pangulong Rodrigo Duterte. Samantalang ang ikalawa ay panatilihin pa rin ang general community quarantine (GCQ) sa National Capital Region (NCR).

Ka-Maynilaan, Maaring Isailalim Sa MGCQ At Magkaroon Ng Localized Lockdown 2
Photo Credit: Manila Bulletin

Aniya,

“There are really two options dito, puwedeng MGCQ pero dapat mabilis ang mayor or sige i-GCQ muna natin para bigyan natin ng panahon na masanay ang mayor”.

Batay sa isinalaysay ni Nograles, kung papayag si Duterte na ilagay ang Metro Manila sa MGCQ, inaasahan niyang agarang maglulunsad ng mga localized lockdowns ang mga alkalde sa mga partikular ng barangay sa loob ng 14 na araw.

Desisyon at pagpasya

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang incubation period ng Covid-19 ay nasa lima hanggang anim na araw bilang average. Subalit, posible itong umabot sa 14 na araw. 

Iginiit ni Nograles na ang pangulo ang huling magpapasya tungkol sa mga inihaing panukala.

Ka-Maynilaan, Maaring Isailalim Sa MGCQ At Magkaroon Ng Localized Lockdown 3
Photo Credit: Sunstar

Wika nito,

“Hintayin natin si Pangulo ang mag-announce.”

Sinabi rin ng Cabinet Secretary na magpupulong ang IATF sa Lunes, Hulyo 13, upang talakayin ang mga maaaring pagbabago sa quarantine protocols.

Pagsailalim sa MGCQ

Samantala, noong Hunyo 30, naunang binanggit ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na nais niya ring ilagay na sa MGCQ ang NCR at Calabarzon upang maibangon muli ang ekonomiya sapagkat ang dalawang rehiyon na ito ay kumakatawan sa 67 porseyento ng ekonomiya ng bansa.

Ka-Maynilaan, Maaring Isailalim Sa MGCQ At Magkaroon Ng Localized Lockdown 4
Photo Credit: Philstar

Itinutulak din ni Dominguez ang pagkakaroon ng localized lockdowns sa mga barangay na may mataas na bilang ng Covid-19 cases. Dapat din umanong ikonsidera ang company-to-company lockdown.

Kasalukuyang nasa GCQ hanggang Hulyo 15 ang mga sumusunod na lugar:

  • Metro Manila
  • Benguet
  • Cavite
  • Rizal
  • Lapu Lapu City
  • Mandaue City
  • Rizal
  • Ormoc
  • Leyte
  • Southern Leyte
  • Talisay City Cebu
  • Minglanillia Cebu
  • Consolacion Cebu

Maliban sa Cebu City na nasa enhanced community quarantine (ECQ), ang natitirang bahagi ng bansa ay nasa MGCQ.

Ka-Maynilaan, Maaring Isailalim Sa MGCQ At Magkaroon Ng Localized Lockdown 5

Batay sa datos noong Hulyo 13, nasa 57,006 na ang kabuuang bilang ng mga Covid-19 cases sa bansa. Sa bilang na ito, 20,371 na ang gumaling habang 1,599 naman ang nasawi.

Source: PNA Gov Ph

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: