Press "Enter" to skip to content

Kaaanak Ng Ilang Mga Ofw Na Namatay Sa KSA, ‘Di Alam Kung Anong Nangyari Sa Mga Labi

Labis ang pag-aalala at pagkamuhi ng mga kaanak ng mga OFW na namatay raw umano sa COVID-19 sa Saudi Arabia sapagkat hindi nila tiyak kung ano na ang nangyari sa bangkay ng mga mahal nila sa buhay o kung maiuuwi pa ba ito sa Pilipinas.

Kalbaryo ng mga OFW sa gitna ng pandemya

Mahirap ang sinapit ng ilang mga kababayan natin sa ibang bansa sa panahon ng pandemya. May mga napaulat na mga pang-aabuso at pangmamaltrato na humahantong sa pagkasawi.

Samantala meron din namang mga kababayan na nawakasan ang buhay dahil mismo sa sakit na COVID-19. Sa kabila ng malungkot na pangyayari, nakakubli ang isa pang nakalulungkot na issue tungkol sa mga bangkay ng mga nasawing OFW.

Kaaanak Ng Ilang Mga Ofw Na Namatay Sa KSA, 'Di Alam Kung Anong Nangyari Sa Mga Labi 2

Tulad na lamang ng sinapit ni Geronimo Dote. Isa siyang OFW sa Riyadh na pumanaw ngunit hindi tiyak ang dahilan ng kanyang pagkamatay kung may kaugnayan nga ba sa COVID-19.

Ang masakit na sinapit

Sabi ng kaniyang kapatid sa Pilipinas wala umanong tulong na nakuha si Geronimo mula sa kanyang amo, lalo na nung makitaan siya ng ilang sintomas ng virus.

Ngunit, ang mas kumurot pa sa puso ng kaanak ni Geronimo nang malaman nila ang sinapit ng OFW hindi dahil sa tinawagan sila, kundi dahil kumalat na lamang sa social media ang video habang sinusugod si Geronimo sa ospital ng mga kapwa niya OFW.

Kaaanak Ng Ilang Mga Ofw Na Namatay Sa KSA, 'Di Alam Kung Anong Nangyari Sa Mga Labi 3

Maliban sa hindi kaagad nalaman ng mga kaanak sa Pilipinas ang pagkawala, animo’y wala rin daw silang kahit na anumang balita galing sa ahensiya ng pamahalaan kung saan dinala ang bangkay ni Geronimo.

Walang kasiguraduhan sa labi

Ang nakapanlulumong sinapit ng kaanak sa ibang bansa ay dinagdagan pa ng agam-agam para sa mga kaanak dito sa Pinas kung maiuuwi pa ba ang labi ng kanilang mga mahal sa buhay.

Nitong mga nakalipas na araw, tinatayang nasa 300 na bangkay ng mga Pinoy ang inaasahang maiuuwi dito sa bansa mula Saudi Arabia.

Samantala, mahigit 100 OFW na nasawi dahil sa COVID-19 sa nasabing bansa ang pinaplanong ilibing na lamang doon.

Narito ang buong ulat.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: