Press "Enter" to skip to content

Kabit, Sinugod At Sinaktan ang Tunay Na Asawa Sa Harap Mismo ng Anak Ni Misis; Abusadong Mister, Kinunsinti Pa Si Kabit

Takot na takot at halos hindi na makapasok ang isang misis matapos sugurin at saktan siya ng kabit ng kanyang mister sa mismong pinagtatrabahuhan niya. Ang pananakit ay nakita at na videohan mismo ng kanyang menor de edad na anak.

Matapang na kabit

Ayon kay KH ER, matagal ng sinasaktan ng mister nito ang kanyang ate. Subalit ang di nakayanan ng ate niya ay nung mismong kabit ni Albert Bergamo, asawa ng biktima ang matapang na sumugod at nanakit sa kanyang ate.

Kabit, Sinugod At Sinaktan ang Tunay Na Asawa Sa Harap Mismo ng Anak Ni Misis; Abusadong Mister, Kinunsinti Pa Si Kabit 2

Nangyari ito sa lugar kung saan mismo nag tatrabaho si misis. Nagkataon na kasama noon ni misis ang kanyang dalawang anak dahil walang mag aalaga sa kanila at wala din silang permanenteng tirahan.

Trauma ng mga anak

Nagkasagutan sa chat ang misis at kabit hanggang sa mismong ang sumugod kay misis. Sapal, sabunot at iba pang pananakit ang natamo ng misis sa kamay mismo ng kabit ng kanyang asawa.

Kabit, Sinugod At Sinaktan ang Tunay Na Asawa Sa Harap Mismo ng Anak Ni Misis; Abusadong Mister, Kinunsinti Pa Si Kabit 3

Kitang kita ng mga bata ang ginawang pananakit sa kanilang ina at na videohan pa ng mga ito. Kahit awatin ay hindi nagpapapigil ang matapang na kabit na tila wala siyang sinirang pamilya. Kaya naman maging ang mga bata ay nagka trauma dahil sa karahasang nasaksihan.

Kabit, Sinugod At Sinaktan ang Tunay Na Asawa Sa Harap Mismo ng Anak Ni Misis; Abusadong Mister, Kinunsinti Pa Si Kabit 4

Tila walang pagsisising naramdaman ang kabit ni mister dahil buong yabang pa nitong ipinost sa social media na sinugod niya ang misis ng kanyang kalaguyo. Matapang ito at sinabing patikim pa lamang ang pananakit na ginawa nito tunay na asawa ni Albert.

Abusadong mister

Maging ang mister nito ay walang magawa sa sabong ng dalawang babae. Ayon kay KH ER, matagal na ring sinasaktan ni Albert ang kanyang ate kung kaya nakipaghiwalay na ito. Hindi rin umano nagsusustento sa mga bata kaya napipilitan ang ate niya na itaguyod mag-isa ang kanilang mga anak.

Kabit, Sinugod At Sinaktan ang Tunay Na Asawa Sa Harap Mismo ng Anak Ni Misis; Abusadong Mister, Kinunsinti Pa Si Kabit 5

Panawagan ni KH ER, sana ay may mabuting loob na mapansin ang kanilang problema. Nais nilang makulong si Albert at kabit nito ng sa gayon ay mapanatag ang kalooban ng kayang ate at ng mga anak nito.

KUHANG VIDEO

Posted by KH ER on Wednesday, October 14, 2020

1st time ko lang po itong gagawin kasi sobra na! awang awa na ako sa ate ko. lagi nalang siyang nasasaktan ng asawa nya….

Posted by KH ER on Wednesday, October 14, 2020

Source: KH ER

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: