Press "Enter" to skip to content

Kagawad Sa Bulacan, Binawi Ang Kalahati Ng SAP Ng Ilang Residente

Matapos ang pagviral ng isang barangay kagawad sa pagbawi ng social amelioration cash sa mga residente sa Hagonoy, Bulacan, isa na namang opisyal ang nahaharap sa kontrobersiya ng korapsyon.

Binawi ni madam

Isang kagawad mula sa Barangay San Vicente, Paombong, Bulacan ay diumano binawi ang kalahati ng P6k na ayuda na natanggap ng ilang residente sa kanilang nasasakupan. Sa video ay makikita ang pag-uusap ng mga residente at ng kagawad hanggang sa nauwi sa pagtatalo. Isang residente pa ang nagsumbong sa parehong akusasyon.

Kagawad Sa Bulacan, Binawi Ang Kalahati Ng SAP Ng Ilang Residente 2

Missing in action

Nang subukan kapanayamin ng 24 Oras ang kapitan ng barangay ay tumanggi itong magpakuha ng pahayag. Gayundin, nang kuhaan naman ng pahayag ang kagawad na itinuturo ay wala umano ito sa kanyang tahanan.

Inarestong kagawad

Matatandaang kamakailan ay inaresto ang kagawad na si Danilo Flores mula sa Hagonoy, Bulacan. Nagviral ang video na kuha ng ilang residente na binawian nito ng kalahati ng social amelioration cash na natanggap ng mga ito. Sa video ay pinabatid nito na utos umano ito ng kanilang mayor na syang pinabulaanan naman ng huli.

Kagawad Sa Bulacan, Binawi Ang Kalahati Ng SAP Ng Ilang Residente 3

Pabuya

Nakarating sa pangulong Rodrigo Duterte ang balita na kung saan ay nagbigay ito ng pabuya. Ang pabuyang P30k ay para sa mga impormanteng makakapagsumbong at mapatunayan ang maanomalyang korapsyon ng ilang opisyal ng barangay.

Reklamo

Kahit pa man patapos na ang first tranche ng pagbibigay ng ayuda mula sa DSWD, dagsa pa din ang reklamo ng maraming Pilipino. Marami pa ding pamilya ang hindi pa nakakatanggap ng ayuda, lalo na ang mga uring manggagawa na nasa no work, no pay scheme. Karamihan sa mga ito ay mga drayber at construction workers.

Sa ibang lugar ay inaabot ng madaling araw ang pamimigay ng subsidy. Sa Caloocan at Rizal, mahaba at dagsa ang bawat pila ng maraming tao sa pag-asa na makasama ang kanilang pangalan sa listahan. Napabalita din na may ibang residente ang dumudulog at nagmamakaawa na makahingi ng tulong sa mga city hall mabigyan lamang ng ayuda.

Source: Balitambayan

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: