Press "Enter" to skip to content

Kagawad, Si Hipag Ang Nabuntis, Ang Pina Barangay Pa Ay Si Misis

Last updated on March 18, 2020

Inilabas na ni idol Raffy ang karugtong na video ng kwento ng isang kagawad ng barangay na nakabuntis ng hipag. Sa kapal ng mukha niya, pinatawag pa niya sa barangay ang kanyang misis para makipaghiwalay.

Nagharap na muli sa barangay ang nagrereklamong si Aiden Dela Cruz at asawa niyang kagawad na si Jemmar Dela Cruz. Ngunit ito ay di na lamang sa harap ng kapitan kundi maging sa harap ng pulis, staff ni idol Raffy at ng camera. Ang pagpupulong ay para resolbahin ang reklamo ni Aiden patungkol sa babaero at sugalero niyang asawa na gusto siyang hiwalayan dahil nakabuntis na ng iba.

Sa harap ng lahat itinanggi ni Jemmar na nakabuntis siya ng ibang babae . Taliwas ito sa unang pahayag niya ng kausapin siya sa telepono ni idol Raffy. Todo tanggi ito ngunit dumating ang mga testigo na nagpapatunay na inamin nito noon sa barangay na nakabuntis nga ito. Ang masaklap pa asawa pa ng kanyang kapatid o sa madaling sabi, hipag niya ang kanyang pinatos na ngayon ay itinatanggi na. Hugas kamay naman ang tila konsintidor na kapitan ng barangay. Aniya di daw niya narinig ang pag amin ni Jemmar kahit sa harapan mismo niya ito nag usap.

Matatandaan na sa nakaraang video ay dumulog sa himpilan ni idol Raffy si Aiden upang humingi ng tulong. Aniya matapos niyang magpakahirap bilang domestic helper sa abroad ay nambuntis pa ng iba ang kanyang asawa. Nang manganak ito ay pinatawag siya sa barangay para umano makipaghiwalay.

Kinausap sa telepono ni idol si Jemmar at maangas nitong inamin na nakabuntis nga siya ng ibang babae at gusto na niyang makipaghiwalay sa asawa. Gusto pang baliktarin ang sitwasyon dahil si misis pa ang pinagbibintangan na may lalaki kahit wala naman ebidensya. Nang masukol siya ay binabaan pa ng telepono si idol. Napikon si idol sa kakapalan ng mukha ni mister at pinangakong gagawin ang lahat makulong lamang ito. Dagdag pa ni idol, gagawin niya ang lahat para matanggal bilang kagawad ng barangay ang maangas na mister.

Kinausap naman ni idol ang kapitan ng barangay na kaharap ng pinatawag si Aiden. Nagmistulang bingi ito dahil hindi daw niya masyadong narinig ang pag amin ni Jemmar sa harap niya. Hindi napigilan ni idol ang inis at natawag niya itong “tatanga-tanga” dahil sa mistulang paghuhugas kamay sa usapin. Tila kinunsinti pa nito ang kanyang kagawad dahil hindi man lang tinulungan si Aiden kahit na ito ang dehado.

Nung una ay nagkasundo ang mag asawa na tuluyang maghiwalay at paghatian lahat ng ari arian. Ngunit napag isip isip siguro ni mister na sa kulungan ang bagsak niya kung kaya muli ay sinuyo si misis. Sa huli nadala sa pangakong magbabagong buhay si mister kung kaya iniaatras na ni misis ang kaso.

Narito ang video ng nasabing kwento:

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: