Browse By

Kaguluhan Sa Lebanon – Walang Pinoy Na Nasaktan

Walang Pilipinong nasaktan sa pamamaril na naganap sa Beirut, kabisera ng bansang Lebanon. Ito ay ayon sa Embahada ng Pilipinas sa naturang bansa. Wala ding nadamay na kababayan natin sa sumunod na kaguluhan, pagukukumpirma pa rin ng Embahada. Patuloy pa din nilang minomonitor ang mga kaganapan sa ngayon.

Madugong pagtitipon

Anim na miyembro ng Shi’ites and napatay sa Beirut kamakailan resulta ng pag-atake sa mga supporters ng Hezbollah. Ang mga ito ay nagtitipon noon upang igiit ang pagtanggal sa isang huwes na nakatalaga upang imbestigahan ang pagsabog sa Beirut port noong Agosto ng nakaraang taon nang maganap ang pamamaslang.

Photo Credits: The Strait Times

Inakusahan ng Hezbollah at ng kaalyado nitong Shi’ite Amal Movement ang Lebanese Forces (LF), isang Kristiyanong pangkat na nagsagawa ng pamamaslang. Ito ang pinakamadugong karahasang sibil sa bansa mula pa ng taong 2008.

Photo Credits: The Straight Times

Babala ng Embahada

Pinaaalalahanan ng Embahada ang ating mga kababayan sa Lebanon na nakataas pa din ang Alert Level 2 sa naturang bansa at pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at iwasan ang hindi importanteng paglabas lalo na sa mataong lugar.

Source: GMA News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *