Press "Enter" to skip to content

Kahapon Pa Ako Walang Kain, May Tinapay Ka Jan Ineng?’ Tanong Ni Lolo Sa Isang Call Center Agent

Cebu CIty – Naantig ang maraming netizen matapos ibahagi ng isang Call Center Agent ang kuha nitong larawan kung saan makikita ang isang matandang lalake na naka-upo sa hagdan kung saan siya nag hihintay ng masasakyan.

Pag hingi ng tulong

Ayon kay Reza Jane Omayan II, habang siya ay nag hihintay ng kaniyang libreng masasakyan papuntang trabaho ay nagulat na lamang umano siya ng may lumapit sa kaniyang matandang lalake. Dagdag pa nito, bigla siyang napaiyak matapos umanong tanungin siya ni Lolo kung may dala siyang pagkain.

Kahapon Pa Ako Walang Kain, May Tinapay Ka Jan Ineng?' Tanong Ni Lolo Sa Isang Call Center Agent 2

Ani ng matanda,

“May tinapay ka jan, day? Kahapon pa kasi ako hindi kumakain.”

Matapos daw umanong mag salita ang matanda ay bigla itong umiyak at batid ni Jane na nangangalam na ang sikmura nito. Kaniya daw itong sinagot at sinabihan na wala siyang dalang tinapay.

Good Samaritan

Kwento pa ni Jane sa kaniyang post, bago pa man lumapit si Lolo sa kaniya ay lumapit na umano ito sa ibang mga tao na naghihintay din ng masasakyan tulad niya. Marahil daw ay natakot ang mga ito sa pisikal na itsura ni Lolo. Bagamat siya din daw ay natakot ngunit mas pinangunahan daw siya ng awa matapos niyang makita ang matanda, lalo na daw ng ito’y nag kwento.

Kahapon Pa Ako Walang Kain, May Tinapay Ka Jan Ineng?' Tanong Ni Lolo Sa Isang Call Center Agent 3

Ani ng matanda,

“Pasensya na, kahapon pa ako walang kain. Wala na kasi ako trabaho dahil sa sutwasyon ngayon.”

Dagdag pa ni Jane, matapos niyang sabihan ang matandan na wala siyang dalang tinapay. Nang hingi na lamang daw ito ng bente pesos para ipambili niya ng makakain. Matapos marining ang sinabi ng matanda, lalo siyang naawa, kaya naman ito’y kaniyang binigyan ng 100 pesos sa kaniyang wallet.

Kahapon Pa Ako Walang Kain, May Tinapay Ka Jan Ineng?' Tanong Ni Lolo Sa Isang Call Center Agent 4

Ani ni Jane,

“Wala pa ako sweldo kaya yun lamang ang aking nabigay na tulong ki Lolo.”

Ngunit mas lalo siyang naawa ng sinabi ni Lolo

“Ibabalik ko na lamang ang sukli sa 100 pesos.”

Na sinagot naman daw ni Jane na, hindi na kailangan pang ibalik ito bagkos ay sa kaniya na lamang ang pera para may ipambili pa itong pag kain sa susunod na araw.

Pasasalamat ni Lolo

Laking pasalamat daw ni Lolo sa ginawang tulong ni Jane sa kaniya.

Ani pa ng matanda,

“Dios na ang bahala na mag balik sayo ng kabutihang ginawa mo Inday. Pwede ba patawirin mo muna ako sa kabila? Maraming Salamat sayo, Inday!”

Para daw nadurog ang kaniyang puso sa kaniyang nasaksikan. Habang naglalakad si Lolo papalayo, ramdam niya ang kasiyahan nito dahil kahit papano ay may nag bigay sa kaniya ng perang pangkain.

Kahapon Pa Ako Walang Kain, May Tinapay Ka Jan Ineng?' Tanong Ni Lolo Sa Isang Call Center Agent 5

Sabi ni Jane,

“Sometimes, it takes a wondeful heart in lending a help. If ever you’ll see him, please lend a help po. Thank you!”

Sa huli nag bigay paalala si Jane sa lahat lalo na sa mga mahilig mag reklamo ngayong quarantine, sana daw ay mag pasalamat na lamang dahil kahit papano meron pagkain at bahay na matitirahan.

Source: Facebook – Reza Jane Omayan II

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: