Press "Enter" to skip to content

Kahina-hinala! Nakalistang Beneficiaries Sa Bahay Ng Kapitan Ng Tondo Umabot Ng 29

Iniimbestigahan ngayon ang kapitan ng barangay 251 sa Tondo Manila na si Chairman Rene Angat. Ito ay dahil sa kahina-hinalang dami ng nakalistang beneficiaries sa sarili niyang pamamahay.

Labis na bilang

Nagsimula ang pagdududa at imbestigasyon ng magsumite ang barangay chairman ng bilang ng listahan ng mga beneficiaries sa kanyang lugar. Sa pagsusuri, umabot na sa 29 ang nakalista sa bahay pa lamang ng kapitan. Hindi ito pasok sa normal na bilang ng isang pamilya sa isang bahay.

Kahina-hinala! Nakalistang Beneficiaries Sa Bahay Ng Kapitan Ng Tondo Umabot Ng 29 2

Ang mga nakalistang ito ay nakatatanggap ng lahat ng ayuda ng lokal na pamahalaan. Kabilang sa mga ito ay rasyon ng pagkain at iba pang uri ng ayuda na binibigay ng lungsod.

Depensa ni kapitan

Depensa ng kapitan, hindi na dapat ipagtaka ang bilang na ito dahil maraming pamilya ang nakatira sa kanyang bahay. Ito ay dahil sa dami na rin ng residente ng kanilang lugar. Ipinakita niya ang bawat kwarto ng kanilang tahanan at makikitang iba’t ibang pamilya nga ang naroroon.

Kahina-hinala! Nakalistang Beneficiaries Sa Bahay Ng Kapitan Ng Tondo Umabot Ng 29 3

Sabi ni kapitan Rene, ang mga pamilyang ito ay kanyang kamag-anak, driver ng taxi at tauhan niya sa talyer. Bilang mga residente ng barangay, karapatan umano ng mga ito na mapasama sa listahan ng dapat bigyan ng ayuda.

Kaduda-duda

Ngunit sabi ng hepe ng Mayor’s Special Reaction Team na si Police Major Rizalino Ibay, may natanggap silang impormasyon na labis ang bilang ng ininilista ni kapitan. Apat sa mga iyon ay maikokonsiderang isang pamilya lamang. Kabilang sa mga ito ay ang lolo, lola at maging mga apo ay isinama na. 

Kahina-hinala! Nakalistang Beneficiaries Sa Bahay Ng Kapitan Ng Tondo Umabot Ng 29 4

Sa Tondo, normal ng maituturing ang maraming pamilya ang nakatira sa iisang bahay. Ngunit ayon na nga kay Major Ibay, sobra sobra pa rin ang bilang na nilista ni kapitan. Kaduda-duda rin na puro kamag anak at empleyado niya ang nakalista.

Imbestigahan agad

Mahigpit ang bilin ni Mayor Isko Moreno na huwag hayaan ang mga ganitong gawain. Marami umanong magugutom kung magpapatuloy ito. Kung kaya naman dagli nilang iniimbestigahan ang mga ganitong uri ng panlalamang.

Kahina-hinala! Nakalistang Beneficiaries Sa Bahay Ng Kapitan Ng Tondo Umabot Ng 29 5

Pinagpapaliwanag na ng City Hall ang nasabing kapitan. Maaring humarap sa kasong paglabag ng Bayanihan To Heal As One Act, Anti Graft And Corrupt Practices Act at Code of Conduct for Public Officials si Chairman Rene. Ito ay kung hindi magiging maayos at malinaw ang kanyang paliwanag.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: