Press "Enter" to skip to content

Kahit Nagmakaawa: Kaso Sa Chinese Na Nanghablot Ng Pera Tuloy!

Last updated on May 29, 2020

Sa ginawang pag dinig ng programa ni idol Raffy tungkol sa reklamo sa viral na video, kung saan ang chinese ay walang habas na nanghablot ng pera sa kapwa nito rider ay nabigyan ito ng agarang aksyon. Ayon dito tuloy ang kaso kahit pa ito ay magmakaawa sa nasabing rider.

Ang panayam sa chinese

Sa naging panayam kay Jp Qui ng Raffy Tulfo In Action ay mariin nitong itinatanggi ang lahat ng paratang dito pati na ang sinabi nitong hindi ito takot nang sabihin nang rider na ipararating nito sa programa ang ginawa nitong pamamwersa dito.

Ang Panayam- Viral Video
Photo Credit: Youtube

Dahil sa naranasang pang haharass na ito ni Jp kaya napilitan nitong idulog ang insidente at ito ay agad naman tinugunan ng nasabing programa.

Ang insidente sa video

Ang insidente ay nangyari noong nakaraang linggo sa lungsod ng Parañaque, kung saan nagkabanggan ang dalawa at pwersahang kinikilan ng chinese ang rider ng pera. Ang pera iyon ni Haime ay ipambibili sana ng gamot ng kanyang may sakit na asawa, ngunit dahil sa ito ang itinuturo ni Jp na may kasalanan sa banggaan nila kaya wala itong nagawa.

Ang Insidente- Viral Video
Photo Credit: Youtube

Matapos ang insidente nagreklamo ang rider kay idol Raffy upang mabigyan ng hustisya ang ginawang panghahablot dito ng pera bilang kabayaran umano sa kanyang danyos. Napag alaman ng programa na ang banggaan ay hindi dumaan sa maayos na proseso ng imbestigasyon ng oras na iyon dahilan kaya nangyari ang pang haharass ng chinese.

Pagmamakaawa

Samantala todo ang pag hingi ng paumanhin ni Jp sa rider at nagmamakaawa pa ito na huwag ng kasuhan bagkus ay aregluhin na lamang, ngunit buo ang naging desisyon ng rider na sampahan ito ng kaso na naayon dito. Kaya ito ay tinulungan ng programa sa mga dapat nitong gawin sa proseso ng pagsasampa nito ng kaso.

Pagmamakaawa- Viral Video
Photo Credit: Youtube

Sa huli ay tinupad ng programa ang pangako sa rider na bibigyan ito ng pera at grocery sa mga pangangailangan ng kanyang pamilya matapos ang pag dinig sa kanyang reklamo

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: