Press "Enter" to skip to content

Kahit Naka-MECQ, Mga Tao Nag Martsa Sa Edsa Sa Isang Funeral Ng Kapitan!

Nag viral ang litrato kung saan makikita ang pag martsa ng mga tao sa isang funeral nang namatay na kapitan. Ito ay sa kahabaan ng Edsa sa gitna ng pagpapatupad ng MECQ. Ang tanong tuloy sa mga kasama dito, ay kung nasunod ba ng mga ito ang batas ng social distancing?

Ang nag-upload

Ang litrato ay kuha galing sa programa ng DZMM at inupload ni Gadget Addict sa kanyang facebook noong ika-23 ng Mayo. Sa caption ng litrato ay sinabi nito na na-ispotan ang isang malaking pag-martsa ng mga tao sa kahabaan ng Edsa nang umaga. Ang marcha ay para sa pinakamamahal at kagalang-galang na Kapitan ng lungsod ng Caloocan.

Ang Nag-upload- Kapitan
Photo Credit: GadgetAddict

Aniya,

“Huge funeral march spotted on EDSA this morning, for a well known, respected and loved Barangay Captain from Caloocan. What do you think?”

Ang paliwanag ng MMDA

Sinabi ni Metro Manila Development Authority (MMDA) spokesperson Celine Pialago sa kanyang panayam na sila ay nagpunta sa barangay ng lungsod at nakipag-usap upang mapaalalahanan ang mga tao tungkol sa ipinatutupad na health protocols ng bansa.

Ang Paliwanag- Kapitan
Photo Credit: Abante

Nilinaw din nito na noon pa man kahit wala pang Modified Enhanced Community Quarantine ay ipinagbabawal na diumano ang pagsasagawa ng nasabing aktibidad sa kahabaan ng EDSA. Inaalam sa ngayon ng nasabing tagapagsalita kung sino ang may nagpahintulot sa naganap na pag martsa.

Ang mga kumento

Ang litrato ay nagkaroon ng iba’t-ibang kumento at mayroon isang kasama sa nag martsa ang sumagot sa naturang tanong tungkol sa social distancing, at sinabi nito na sumunod naman diumano sila sa nasabing health protocols na ito.

Ang Kumento- Kapitan
Photo Credit: GadgetAddicts

May iba naman na nagagalit dahil sa hindi patas na pagpapatupad ng batas at sinabing maaring may koneksyon sa kapangyarihan ng isang organisasyon sa gorbyerno, kaya naisagawa pa din ang aktibidad kahit pa may kinakaharap na malaking banta sa sakit ang bansa ngayon.

Source: Gadget Addict

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: